Advertisers

Advertisers

GMA 7 KAY VP LENI NGA BA NAKAPUSTA?

0 434

Advertisers

TILA nakakiling kay presidential bet, Vice President Leni Robredo ang GMA 7 TV network.

Bakit kamo?

Sa kanilang high rating evening newscast na 24-Oras, political ads ni Robredo ang nakabandera sa nasabing programa at sa ilang pang news programs ng nasabing TV station.



Bukod pa dito, ang mga banner stories na nakasentro sa mga pagbatikos at negative news laban sa mahigpit na karibal ng bise presidente na si Bongbong Marcos (BBM) na obviously ay number 1 sa poll surveys ng iba’t ibang survey firms.

Ang pinakahuli ngang ibinanderang balita ng GMA 7 ay ang interview kay outgoing COMELEC Commissioner Rowena Guanzon na nagsasabing bumoto ito ng pabor para sa disqualification ni Marcos na nakapending sa pa Comelec 1st Division kung saan isa si Guanzon sa tatlong commissioner na bumubuo ng First Division.

Napagkalooban ito ng mahabang minuto na tila ba nagkokondisyon sa isipan ng mga viewers nito ang hindi pa inilalabas na desisyon ng 1st Division ng COMELEC.

Ika nga, bias itong maituturing at hindi pa makakategoryang “certified news” dahil hindi ito opisyal na desisyon ng Comelec 1st Division patungkol sa disqualification case na kinakaharap ni BBM.

Premature ika nga at hindi pa masasabing balita kundi isang espekulasyon pa lamang!



Malinaw at obvious na isa itong pagkiling sa isang kandidato sa pagka-Pangulo salungat sa motto at slogan ng GMA News na “ WALANG KINIKILINGAN’!

Paanong walang kikilingan ang GMA 7 kung ganitong kliyente ng nasabing TV Station at advertiser si VP Leni?

Kaya naman pala hindi lumahok sa interview sa programa ni Jessica Sojo itong si BBM dahil may prior info na sila na hindi magiging parehas ang gagawing interview sa kanya ng naturang TV network.

Siyempre, saan ba kikiling ang GMA 7 kundi sa kanilang advertiser for obvious reasons.

Kaya nga unti-unti nang nababawasan ang mga viewers ng nasabing TV network dahil patuloy na dumadausos ang kredibilidad nito.

Isa ang inyong abang-lingkod sa nadismaya sa mga huling kaganapang ito sa loob ng nasabing TV company.

Slowly, kinakain na nito ang mismong paninindigan ng istasyon patungkol sa “fair reporting’!

Kung baga, kinain na rin sila ng bulok na sistema.

Kapag di pala nagpaunlakan ng interview o hindi napagbigyan ng isang kandidato ang GMA 7, titirahin na ito at gagawan ng kaliwa’t kanang isyu.

Kakalkalin at maghuhukay ng negatibong balita laban sa kandidato?

Para naman marahil sa kampo ni BBM, hindi na nito kailangan pang magpa-advertise sa TV o saan mang media networks na sisingilin sila ng milyong piso sa bawat airtime na kakainin ng advertisement na kanilang ipapasok.

Leading candidate na si BBM sa lahat ng surveys at kitang-kita naman ang reception ng tao sa BBM-SARA Duterte tandem na dinudumog sa kanilang mga sorties at motorcades/caravans.

No need for media advertisements dahil nasa isipan na ng tao ang kanilang pagboto kay BBM.

Noong 2016 presidential elections kung saan aktibo pa ang pinasaradong ABS CBN at poor second lamang ang GMA 7, ganitong bulok na istilo rin ang ginawa ng ABS CBN Channel 2 at mga subsidiary TV stations nito.

Pumabor at naging bias sila sa isang particular candidate laban sa nanalong si Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Lumalabas tuloy ngayon na wala naman palang pinag-iba ang dalawang TV stations na ito pagdating sa KUWARTA at pagkakakitaan!

Handa silang pumabor at kumiling sa kandidatong kanilang pinapakinabangan!

In this particular case, kay VP Leni who else na number advertiser ng GMA7.

Sana lamang, wag nang ipagyabang pa ng mga kilalang broadcasters ng GMA7 na sila ay parehas at walang kinikilingan, well in fact and in truth, negosyo ang kanilang prayoridad.

Wag na nilang lokohin at papaniwalain pa ang taongbayan!

Ang iniisip lamang natin, bukod sa kinikita ng GMA7 sa mga political ads ni Leni Lugaw, ano pa kayang usapan o consensus ang nakapaloob sa “package” na ito sakaling makatsamba ang Reyna ng Lugaw this May 9, 2022 elections.

Tax rebates ba at incentive para sa GMA7 in case maupo sa poder ang parating LUTANG na bise president?

So what’s next, panibagong rehimen at panibagong players at mga oligarchs?

Mga wala kayong kuwenta!

Wala pa man, nagladlad na ng totoong kulay ang GMA7.

Ano masasabi mo dito Atty. Felipe Gozom sir?

Wala pa sa poder ha, nakakiling na!

I tell you straight to your faces GMA executives, nagkakamali kayo ng pusta!

Tataya lang kayo dun pa sa bulok at tolonges!

May kasunod…

Abangan!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com