Advertisers

Advertisers

Game over

0 192

Advertisers

“GAME over na kami, sir.”

Ang mga katagang binitawan ni Ida Marie Montero alias Mandy, Secretary at Finance Officer ng New People’s Army Sub-Regional Committee 5 (SRC5) ng Communists Party of the Philippines (CPP-NPA), nang makopo sila ng Philippine Army (PA) sa Eastern Mindanao.

Anim na buwan nang patago-tago sa mga kagubatan at kabundukan, habang tinutugis ng militar. At sa bandang huli ay napagod, naubusan ng bala at maging ng lakas ng katawan, kaya’t nagsisuko na lamang, kasama ang iba pang matataas na opisyal ng samahan ng mga komunistang-terorista.



“Game over.” Dahil dumating na ang kanilang katapusan na kung talagang makikipaglaban pa ay pihadong ikamamatay lamang nilang lahat. Walang ibang magandang gawin kung di sumuko na lamang at baka mabigyan pa ng tiyansang makapag-bagong buhay.

“I had this feeling of relief. Tama ang desisyon ko to turn myself to the goverment. Malaki ang utang na loob ko sa military at goverment for giving me second chance to live,” ang nasabi naman ni Enrico Caramat alias Marco, Political Instructor, isang student leader sa Manila na matagal ng hinahanap ng kanyang mga magulang.

Maligaya daw siya nang makita ang kanyang mga magulang at umaasang makapamuhay na muli silang magpapamilya.

Inamin ni Curamat na bilang isang estudyante ay naingganyo siya sa mga turo ng komunista at mula noon ay sumali na sa underground movement, “but overtime nawawala, nakita ko ang sincerity (of the goverment ).”

“Walang sense ang humawak ng baril para sa pagbabago,” ang kanyang iniwang mensahe para sa mga kabataan sa ngayon.



Tama ang dalawang lider ng komunistang-teroristang mga ito. Ngayon ay nakabalik na sila sa normal na pamumuhay. Malaya at kapiling ng kanilang mga mahal sa buhay.

Napagtanto, na walang pupuntahan ang kanilang ipinaglalabang maling paniniwala. Kaya nanawagan pa sa ibang mga kabataan sa ngayon na huwag silang tularan. Huwag paniwalaan ang huwad na mga turo ng maka-komunistang-teroristang samahan ng CPP-NPA-NDF.

Batid nila na malapit na ang katapusan ng CPP-NPA-NDF. Kung di man marating ito bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Road Duterte ay pihadong aabutin din ng “game over” ang komunistang-teroristang samahan.