Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
PINAG-uusapan ang latest entry sa blog ni Jessy Mendiola na kasama niya ang kanilang mister sa isang firing o target shooting event.
Bago sila pumunta sa shooting grounds, dumaan muna sila sa bahay ni Senator Ralph Recto sa Lipa para mag-food trip.
Masayang nakipagkuwentuhan ang mag-asawa sa mga kasambahay at nagpakabusog sa inihandang barbecue, pancit, lomi, suman, tulingan at iba pa.
Sey ni Jessy, pinaka bet daw niya sa pagkaing natikman ang tulingan.
Ipinakita rin ng aktres-vlogger ang dalawang klase ng suman: ang dapa at haba.
Pilyo namang sumingit si Luis at sinabing meron din siyang “haba.”
Pagkatapos ng food trip, tumungo na sila sa firing range site.
Sa site, ibinida ni Luis na bata pa lang daw siya ay natuto na raw siyang magpaputok ng pistol at rifle.
Naging parang hobby na raw niya ito pero hindi raw naman niya pinangarap na mag-compete sa anumang kumpetisyon.
Dagdag pa niya, lahat daw ng ginagamit nilang baril sa shooting site ay lisensyado.
Sa kaso naman ni Jessy, ayaw daw talaga niya ng baril pero dahil kinulit siya ng mister ay pinagbigyan niya ito.
Sa site, tinuruan din ni Luis si Jessy kung paano magpaputok ng baril.
Nagbigay din ng safety tips si Luis sa misis kung paano itututok ang trigger ng baril.
Naipasa naman ni Jessy ang challenge sa kanya dahil halos asintado ito sa kanyang target.
Hirit tuloy ng netizens, kuwidaw daw ang “I Can See Your Voice” host dahil asintado si Jessy.
Sey naman ni Jessy, feeling daw niya ay mapapadalas na ang pagpunta niya sa nasabing shooting range site dahil kay Luis.