Advertisers
BILANG pagmamalasakit sa mga lugar na lubhang naapektuhan ng bagyong ODETTE sa ating bansa nitong nakaraang taon ay umasiste at nagbigay ayuda ang METROPOLITAN WATERWORKS AND SEWERAGE SYSTEM (MWSS) kasama na ang iba pang WATER COMPANIES.
Batay sa SITUATIONER REPORT No. 39 ng NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL (NDRRMC), ang 11 sa 17 rehiyon ng ating bansa ang naapektuhan na may kabuuang 2,366,309 pamilya o 8,409,602 katao. May kabuuang 531 cities at munisipalidad ang naapektuhan.., na 361 sa mga cities ang isinailalim sa STATE OF CALAMITY dahil nawasak ang halos lahat ng imprastraktura at mga pananim.
Agarang umasiste ang mga GOVERNMENT OFFICIAL at ang iba’t ibang grupo ng mga PRIVATE SECTOR…, na ang mga nagsagawa ng tulong mula sa WATER SECTOR INDUSTRY ay ang MANILA WATER COMPANY, Inc. (Manila Water), MAYNILAD WATER SERVICES, Inc. (Maynilad), SAN MIGUEL CORPORATION at ang METROPOLITAN WATERWORKS AND SEWERAGE SYSTEM (MWSS).?
Bilang pagtiyak sa safety potable water, si MANILA WATER PRESIDENT JV EMMANUEL “JOCOT” DE DIOS ay nagpadala ng MOBILE TREATMENT PLANT (MTP) sa SIARGAO na siyang unang binayo ng bagyong ODETTE noong December 16, 2021.., na ang MTP ay nakalilikha ng 3,000 liters ng drinkable water kada-oras at nakapag-ooperate araw-araw ng 12-oras. Iba’t ibang lugar sa probinsiya ng SURIGAO DEL NORTE ang nabigyan ng SAFE WATER na dinala ng MANILA WATER TANKERS na may kaoasidad na 10,000 liters ng tubig kada trip.
Ang MANILA WATER ay nakapamahagi ng halos 23,000 liters ng tubig sa 5,000 residente ng SIARGAO. Ang ibang lugar na naapektuhan tulad ng CEBU at BOHOL ay nagbenepisyo rin mula sa MANILA WATER’s MTP.
Ipinag-utos naman ni MANILA WATER FOUNDATION PRESIDENT DONATO C. ALMEDA na siya ring MANILA WATER CHIEF REGULATORY OFFICER ang mabilisang paghahatid ng mga bottled water at hygiene kits sa BOHOL, CEBU, DINAGAT ISLAND, PALAWAN, SIARGAO at SOUTHERN LEYTE. Nagsamasama sa gayong proyekto ang PHILIPPINE COAST GUARD, P& G SAFEGUARD PHILIPPINES at iba pang business units ng MANILA WATER tulad ng BORACAY WATER, CLARK WATER at LAGUNA WATER.
Nag-deploy naman si MAYNILAD PRESIDENT RAMONCITO S. FERNANDEZ ng MAYNILAD MTP’s kabilang na ang MANPOWER na mag-ooperate ng mga MTPs, na makakapag- produce ng 43,000 gallons ng tubig per day para sa mga typhoon-affected areas. Nagdonasyon din ng P6.5 milyon cash aid sa pamamagitan ng PHILIPPINE DISASTER RESILIENCE FOUNDATION at ang ONE MERALCO FOUNDATION para sa typhoon Odette survivors.
Sa maagap na pag-asiste sa typhoon affected areas ay malaki ang naging bahagi ni MAYNILAD VP CORPORATE COMMUNICATION MARIE ANTONETTE DE OCAMPO dahil sa ginawa nitong round-the-clock trip sa Visayas noong New Year’s eve via PAL/PAL Express.
Sa fb post ni DE OCAMPO noong December 31, 2021 ay inilahad nito ang..,
“Mission accomplished for Maynilad and our kapatids in the MVP group of companies Marge Macasaet Barro of the Makati Med Foundation and Jeffrey O. Tarayao of One Meralco Foundation after we turned over our donation earlier today for the communities affected by typhoon Odette to the Office of Presidential Assistant for the Visayas (OPAV), represented by Undersecretary Anthony Gerard Gonzales.Huge thanks to PAL / PAL Express for this partnership. Sleepless at Mactan Airport yet big smiles behind the masks.”
Sa TALIBON, BOHOL na matinding sinalanta ng bagyo ay agaran ding nag-atas ng deployment si MWSS ADMINISTRATOR LEONOR “BOBBY” CLEOFAS para sa pagpapadala ng MTPs para sa malinis na tubig-inumin ng mga residente.
May grupo ng mga volunteer ang nagsitungo sa Visayas na pinamunuan ni MWSS DEPARTMENT MANAGER, FIELD OPERATIONS MANAGEMENT ENGR. JOSE ESCOTO kasama niya sina
Engr. ?Wilson Baluca, Engr. Joseph Burdeos, Mr. Wilfredo Gonzales, Mr. Ramil Ochavillo, Mr. Willie De Guzman, at Mr. Cenon Ordoña. .., na sila ang natokahan upang mamahagi ng potable drinking water sa mga residenteng lubhang nasalanta ng bagyo.
Si SAN MIGUEL CORPORATION PRESIDENT RAMON S. ANG na subsidiary ng LUZON CLEAN WATER DEVELOPMENT CORPORATION (LCWDC) at siyang third concessionaire ng MWSS, ay nag-donate naman ng P35 milyon halaga ng pagkain at tubig sa mga probinsiyang sinalanta ng bagyong ODETTE maliban pa sa pag-aambag ng 24,000 liters ng tubig mula sa LDWDCs BULACAN BULK WATER SUPPLY PROJECT. Ang SMC ay sinamahan ng ARMED FORCES sa pagsasagawa ng feeding program gamit ang AFP Mobile Kitchen.., na ang mga calamity victims ay makakampante hanggang sa makabangon muli ang.mga ito sa tulong na ipinagkakaloob ng GOVERNMENT at PRIVATE SECTORS.
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.