Advertisers
TILA sayaw na paso-doble ang tugon ng kampo ng Partido Federal ng Pilipinas o PFP, ang pro-Marcos political party, nang tumugon si abugado George Briones sa hamon ni Rowena Guanzon, ang magreretirong Comelec commissioner sa isang televised debate. Kisapmata na umurong si Briones sa hamon. Sinita ni Briones si Guanzon dahil ilegal ang pagsasapubliko ng kanyang boto sa disqualification case kay Ferdinand “Bongbong Marcos Jr. Nagmula ang isyu nang hamunin ni Commissioner Guanzon si Briones: “I challenge George Briones of Partido Federal of BBM (Bongbong Marcos) to a debate on TV. If he thinks he is brighter than me, he should agree. They are diverting the issue.” Ani Guanzon: “Alam ba ni [Marcos] that Partido Federal is threatening me, the presiding commissioner while his case is pending? BAKA i-CONTEMPT KO LAYO IPAKULONG KO KAYO SA MANILA CITY JAIL.”
Sa PFP, ito ang sinabi ni Guanzon: “You people better study. Let’s debate on TV.” Napansin ko na karaniwan ito sa kampo ng mga Marcos. Ilang beses na “no-show si Bongget sa mga public engagements kung saan may pagkakataon sana siya ilantad ang kanyang “plataporma de gobyerno” sa madla. Kung hindi “no-show,” pre-recorded message na generic motherhood statement tulad ngnangyari sa Philippine Travel Agencies Association (PTAA). Pipiliin niya ang huntahan na gusto niyang puntahan. Hindi ito maganda para sa kampanya niya dahil nagpapara siyang ipis na nagsisitago kapag nasisinagan ng flashlight. Kapansin-pansin na gumagaya sa estratehiya ni Bonget ang mga kasapakat niya sa pulitika. Maling mali ito. Ayaw ng taumbayan sa mga taong “urong-sulong.” Dahil kung sa debate lang nakikita mo na wala ka nang gulugod, paano pa kaya sa pagkapangulo? Pasensya ka na Bongget. Masamang pangitain sa akin ang ipinamalas mo nung hindi ka dumalo sa event ng FINEX. Asahan mo, sa Mayo 8, tatapakan ka at dudurugin ka ng iyong mga katunggali. Parang ipis. That is, kung mananalig ang “clean and fair elections.” Kasihan nawa tayo ng Poong Kabunian.
Naunang tinanggap ni Briones ang hamon ni Guanzon. Ilang sandali, binawi ni Briones ang pagtanggap. Ang dahilan umano ni Briones ay Sigma Rho fraternity brod siya ni Commissioner Guanzon. “For I firmly believe in our Code of Action which is ‘to give due respect if not love to a Sister Deltan.” ani Briones.
***
MATAPOS ng pinakamahabang Covid-19 lockdown kung saan natigil ang pasada ng mga provincial buses, nagpasya ang “bright boys ng IATF na unti-unting payagan ang pasada ng mga provincial buses. Pero dahil ang mga “bright boys” ay retiradong heneral, kailangan ng pasahero na tumungo sa mga Integrated Terminal Exchange, o ITX, para sa bus na maghahatid sa kanila. Okey sana kung accessible ang ITX. Doble pasakit ang nararanasan ng mananakay dahil kailangan nilang tumungo sa tatlong tinalagang ITX, ang Sta Rosa Integrated Terminal (SRIT) sa Sta. Rosa, Laguna; ang Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) sa Parañaque City; at ang North Luzon Exchange Terminal o NLET sa Bocaue, Bulacan sa tabi Philippine Arena compound. Para makarating sa mga PTX nakakabuti ang mga sasakyang colorum na nagdagdag uli ng problema.
Sabi nga ng mapagbirong kaibigan ngayon, kailangan pumunta sa probinsya ang gustong sumakay ng provincial buses. Mas maganda na hayaan ang mga bus companies na manatili ang operations sa kani-kanilang bus terminal? Mas madali na salain ang mga pasahero. Kung manpower ang problema ang bawat bus terminal ay may mga clinics. Bakit hindi humingi ng asiste mula sa kanilang medical staff? At kung trapik naman ang pinoproblema ninyo, E bakit pa kayo naglagay ng designated bus lanes? Hay naku IATF, tuloy nababansagan kayo matataba ang pagiisip at mga utak-biya. Sa totoo lang mas maraming problema ang dulot ng solusyon ninyo . Ngayon nagtuturuan kayo at kinakamot ninyo ang maliliit niyong mga ulo. Dahil nagbunga ng dagdag na pasakit sa mananakay ang kapalpakan niyo.
***
Mga Piling Salita: “Contrary to the Marcos’ lawyer’s statement, Marcos failed spectacularly in his duty to the Filipino people to participate in the interview, depriving them of a glimpse of his true nature without his army of trolls.
These are not questions of a biased interviewer. These are questions from a public so hungry for truth from their leaders. These are a nation’s rational questions that deserve to be answered.
Democracy Watch believes that Miss Soho’s interview provided the public a good estimation of the character and competence of the candidates – especially of that one who did not show up!” – Maris Hidalgo, netizen
“Yung sinasabing opinion ni Comm. Guanzon are NOT JUST opinions but LEGAL FACTS. Convicted ng 2 sangay ng korte, ergo DISQUALIFIED. No ifs and buts, walang paligoy ligoy.” – Shintaro Abe, netizen
“Ilabas na ni [Commissioner Aimee] Ferolino ang resolution. Ang talo mag-motion for reconsideration.” – Rowena Guanzon
***
mackoyv@gmail.com