Advertisers

Advertisers

Ruru inamin, mas naging close kay Kylie sa muling pagsasama sa proyekto

0 407

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

PAANO ilalarawan ni Pokwang ang  sarili bilang isang ina?

“Inilalarawan ko ang sarili ko bilang isang ina na matatag, palaban, at survivor. Hindi nawawalan ng pag-asa at dasal.”



May dalawang anak si Pokwang, una ay si Ria Mae mula sa una niyang pakikipagrelasyon at si Malia Francine na anak naman nina Pokwang at American partner niyang si Lee O’Brian.

Sunud-sunod ang proyekto ni Pokwang sa Kapuso Network, tulad na lamang ng Wish Ko Lang, Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento at ang pangalawang beses niyang pagbibida sa Magpakailanman.

May mga artista na ayaw magtrabaho sa panahon ng pandemya, paano napapayag si Pokwang na mag-taping sa panahon ng pandemya?

“Masyadong marami na akong iniyak during the first lockdown and even bago pa magka-pandemic,” pahayag ng komedyana.

“Marami akong hindi nagawa bilang artista at bilang isang ina na kailangang maghanap-buhay, kaya timing na may mga biyayang dumating kahit may pandemic.



“Mas kailangan ng mga tao ang ma-entertain ngayon sa ganitong kalagayan natin. Mas kailangan nila ang mapaglilibangan, ‘ika nga.

“So ingat lang at gabay from God na ilayo tayo sa karamdaman,” pahayag pa ni Pokwang.

Speaking of Magpakailanman, una na tayong pinakitaan ni Kapuso comedienne Pokwang ng kanyang galing sa drama noong July 10, 2021. Nitong nakaraang Sabado, January 29, 2022, inabangan din ang mas matinding iyakan at dramahan sa FRESH at BRAND NEW episode ng #MPK na kanyang pinagbidahan muli!

Lahat ay kanyang hinarap alang-alang sa kanyang mga anak.

Natunghayan ng viewers ang buhay ni Star, na ginampanan ni Pokwang, sa episode ng #MPK na “Liwanag Ng Bituin: The Estrella “Star” Besabe Story!”

***

ISA sa pangarap ni Kapuso Soul Balladeer Garrett Bolden ngayong 2022 ay ang makapag-release ng international single sa ilalim ng GMA Music.

“Marami-rami na akong naisulat na kanta pero recently I’ve been trying to write English songs kasi mayroon akong naging goal. Gusto kong makapag-release ng kanta internationally,” pagbabahagi niya.

Sa press interview, ibinahagi rin ni Garrett na nais niyang subukan ang pag-arte.

“Opo naman, I want to explore the world aside from singing. Gusto kong maging host, matutong mag-host at acting din po. It’s something that really wonders me rin,” sabi niya.

“Alam ko it’s a great field to learn a lot of things kasi ang acting naman hindi lang naman pag-arte sa teleserye at pelikula, magagamit mo rin siya sa pagkanta tulad ng theater.”

Samantala, muli tayong paiibigin ni Garrett sa bago niyang hugot song, ang “Pwede Pa Ba,” na mapapakinggan simula January 28 sa Spotify, YouTube Music, Apple Music, at sa iba pang digital streaming platforms worldwide.

***

MULING nagkasama kamakailan ang dating mag-on-screen partner na sina Ruru Madrid at Kylie Padilla sa first episode ng Regal Studio Presents ngayong 2022 na “My Fairytale Hero.”

Sa “Chika Minute” report ni Lhar Santiago, nakapanayam niya si Ruru. Dito ay ibinahagi ng aktor na mas naging close daw sila ngayon ni Kylie habang nasa taping ng nasabing episode ng Regal Studio Presents.

Aniya, “Grabe kuwentuhan agad kami na parang kahapon lang magkasama kami na tipong parang hindi kami nawalay sa isa’t isa. So ‘nung nag-taping kami magkasama kami all the time, ang dami naming napag-usapan.”

Pagbabahagi pa ni Ruru, mas lumalim daw ang pagkakaibigan nila ngayon ni Kylie pagkatapos ng ilang taon na dumaan sa kanilang mga personal na buhay.

Kuwento niya, “Pinag-usapan nga namin ni Kylie, feeling ko kasi somehow dati naaapektuhan [ang pagkakaibigan namin] kasi meron kaming someone na parang kinakailangan naming dumistansya sa isa’t isa ng konti para at least walang issue or hindi na maging big deal.”

Sa katunayan, gumawa pa raw ng isang matapang na vlog sina Ruru at Kylie na mas lumabas ang kanilang closeness at masayang bonding.

Nagkasama sina Ruru at Kylie sa fantasy series na Encantadia taong 2016 at sa romantic-comedy series na Toda One I Love taong 2019.

Sa ngayon ay nagbalik lock-in taping na si Ruru para sa kanyang pagbibidahang action series na Lolong. Aminado rin ang aktor sa mga buwis-buhay stunts na kanyang gagawin para sa nasabing serye.

Kabilang din si Ruru sa ipinakilalang eight brightest stars for 2022 ng Sparkle, ang talent management arm ng GMA Network.