Advertisers

Advertisers

Tito Sen may tampo ba kay ex-mayor Herbert Bautista?

0 404

Advertisers

Ni NONIE V. NICASIO

NABASA namin ang FB post ni katotong Jobert Sucaldito na  nabanggit na ang kanyang kumpareng si ex-QC mayor Herbert Bautista ay tila namamangka raw sa dalawang ilog.

Si Herbert daw kasi ay nasa senatorial line-up ng NPC na ang kandidato bilang President at Vice President ay sina Sen. Ping Lacson at Senate President Tito Sotto, respectively. Ang siste, isinama si Herbert sa senatorial tiket ng BBM-Sara group kaya may sitsit na hindi ito nagustuhan ni Tito Sen.



Ito ang ilang bahagi ng FB post ni Jobert: “Nagulat ako sa napag-alaman ko about my kumpareng dating Quezon City mayor Herbert “Bistek” Bautista who’s running for the Senate this 2022 election.

“I spoke to a very reliable source who said na patuloy na inu-offend ni Bistek si Senate President Tito Sotto III at ang pinamumunuan nitong Nationalist Peoples Coaliton (NPC) na isa si Bistek sa senatorial candidates nila along with Loren Legarda, JV Ejercito, Chiz Escudero and Sherwin Gatchalian.

Sila ang nasa magic senatorial slate ng Sen. Ping Lacson-Sen. Tito Sotto ticket. Tanging sina Bistek and Sherwin ang parang namamangka sa 2 ilog dahil kahit members sila ng NPC ay patuloy pa rin silang nakikisiksik sa kampo ni Sara Duterte. There were talks kasi before na nililigawan ni Sen. Sherwin si Inday Sara na kunin siyang running-mate nito nung time na tinutulak pa si Inday Sara to run for president.

Kaya madalas tumutungo si Sherwin sa Davao before. Kung natuloy pala iyon, direktang makakalaban ni Sherwin ang chairman ng NPC na si SP Tito Sotto for VP. How unethical, di ba?”

Nabanggit din ni Jobert na masyado na raw nababastos ang NPC at party chairman nitong si SP Sotto sa ginagawa ni Bautista na nakikisiksik sa kampo ni Mayor Sara na alam naman niyang kalaban ng NPC.



Ayon pa kay Jobert na never daw dumalo si Bistek sa mga virtual meetings ng NPC pero visible siya sa ilang activities ni Mayor Inday Sara. Kaya idiniin ni Jobert na, “Simple lang naman ang dapat gawin ni Bistek eh – mag-resign siya sa NPC at magpa-adopt sa party ni Inday Sara. Edukado ka naman Bistek para hindi mo magawa ang tama.”

Isa si Herbert sa iboboto naming senador sa darating na May 9, 2022 dahil bilang taga-QC, nakita ko ang kanyang pamumuno rito. Plus, isa si Herbert sa mga taga-showbiz na ibang klase kung magmalasakit at magmahal sa mga taga-entertainment media. Na kahit hindi na siya mayor or nagpahinga muna sa pulitika, tuloy pa rin ang pagtulong at pagmamalasakit sa showbiz media.

Pero naintindihan din namin ang punto ni katotong Jobert. Mas okay nga naman na mag-resign na lang siya sa NPC kung may mga nag-aakusa sa kanya na namamangka siya sa dalawang ilog.

Although naniniwala ako na ang politics ay addition, ‘ika nga at lahat ng suportang makukuha mo at ibibigay sa iyo ay dapat mong ipagpasalamat. Sa pagkaka-alam ko rin, may mga kandidato talaga na open i-endorse ng iba’t ibang political parties or ina-adopt ng various political parties lalo na sa mga kandidatong national.

Pero kung ito ay magiging kuwestiyonable para sa iba, lalo na sa mga kapanalig at botante nina Sen. Ping at SP Tito, sa palagay namin ay mas mabuting walang bagaheng dinadala sa balikat niya si former QC mayor Bautista.

At para rin hindi na magkaroon ng tampo sa kanya si SP Sotto. After all, bukod sa pareho silang taga-showbiz at mahal ng mga showbiz people, pareho rin silang nirerespetong public servant ng bansa.