Advertisers

Advertisers

Angelica ayaw na makisawsaw sa hiwalayang Carlo at Trina

0 208

Advertisers

Ni BETH GELENA

SI Senator Manny Pacquiao ang last na na-interbyu ni Boy Abunda sa kanyang One-on-One Presidentiables Interview.
Sa kanilang paghaharap, napagtantong mababaw pala ang luha ng eight-divisuon-world champion sa larangan ng boksing at tinaguriang one of the boxers in history na si Pacquiao.
Hindi niya napigilan ang maluha nang mapag-usapan na nila ng King of Talk ang mga kababayan nating naghihirap.
Naranasan din kasi ng aspiring president ang buhay mahirsp dahil doon siya nagmula since childhood.
Kumbaga isa ring kahig isang tuka si Manny noon na gumanda ang buhay dahil sa husay sa pagboboksing.
Naging bilyonaryo at nakilala sa buong mundo dahil sa kanyang ‘kamao.’
Sa pagtakbo raw niya sa pagka-Pangulo ng bansa, ang pagtulong sa mga mahihirap na kababayan ang kanya talagang gagawin.
Aminado si Senador Manny na pagdating sa mga mahihirap, talagang emosyonal siya.
Sambit niya, “Kasi naranasan ko ang walang pagkain sa isang araw. Naranasan ko na walang matulugan. Naranasan ko na magutom. Tubig, iyan lang tubig ang naka-survive sa amin. Kaya ‘di ko maalis sa sarili ko na emosyonal ako masyado sa mga mahihirap dahil dumanas kami ng hirap.”
Patuloy pa rin daw siyang magbibigay ng pabahay sa mga mahihirap at lalo na ang pagbibigay ng hanapbuhay.
Pinasok ni Pacman ang pulitika kung saan una siya naging congressman at ngayon, isa siya sa mga senador ng bansa.
Sa pagtakbo ni Manny sa.pagka-Pangulo, sinabi niyang inihanda na niya ang tinawag niyang ’22-round agenda’ nang una siyang ma-interview ni Toni Gonzaga sa YouTube channel ng huli.
Back to Kuy Boy’s interview, tanong nito, “bakit siya ang dapat iboto ng mga tao?”
Ang sagot ni Pacquiao: “Nakita ko ang problema ng bansa.”
***
ANO na ba talaga ang real score between Carlo Aquino at sa live-in partner nitong non-showbiz na si Trina Candaza?
May post sa kanyang Facebook account ang girl na ayon sa mga netizen ay patungkol sa stubborn partner na nagbabago kapag may ibang babaeng involved.
Post ng partner ni Carlo: “You will really know your worth to your partner if ano magiging actions niya pag wala ka na sa kanya.
“Kung may pinupuntahan na agad na babae…
“Wag na kayong umasang magbabago pa yung jowa niyo na sakit sa ulo, hindi na yan magbabago.”
Sabi ng isang netizen, sobrang ganda raw sa sarili ni Trina.
“Ganda nya masyado.”
Sinegundahan pa ng isang netizen, “Maganda naman siya in fer. Di nga sila bagay. Tapos mas matanda pa si Carlo.”
Makahulugan naman ang isang komento na ito: “A leopard never changes its spots.”
Reaksyon naman ng isa pang commenter, “Girl wag idaan sa social media tapos pag pinuna hihingi ng privacy”
“You should have known it”
“Alam niya ang track record ni Carlo. Pero akala niya she will be the one to make him change his ways”
Tanong naman ng isang netizen, “Kinasal nga ba sila? Buti nakaligtas si Angge sa ganitong lalake”
“Sumpa ng 2022” unang pasok ng taon marami na agad naghihiwalay”
“Ngayon lang pumasok yang katanungan na yan sayo? Maraming napapabreak ang covid magic, you know?”
Ambilis magpalit ng partner. Anyway may makukuha din na katapat yan, kalimitan nga ang katapat mga eme-eme as compared sa ghosted”
“Hmmm so parang tunay na nga ang ugong na hiwalay na sila. Hay, may aabangan na naman tayong batuhan ng mga shady posts. Popcorn please! :)”
“Dapat kasi natuto ka na kay Angelica, girl”
“Angelica is laughing right now,,,jk”
“Yun lang. Once a cheater, always a cheater talaga.”
“Anong masasabi ni angelica panganiban?”
“Wala di naman sya involved sa issue na yan”
“Busy sa pag yate si madam kasama jowa”
“You learned your lesson the hard way gurl. akala mo noon haba ng hair mo nang pinili ka ni C over A yun pala iiwan ka din so ginamit ka lang. tsk! playboy will always be playboy!”
“Cheating is a NO pero si Carla Abellana nga na ‘Legal’ wife e hindi nagsasalita tapos yung jowa lang maka rant sa soc med. Point ko lang, hindi talaga maganda ang dinadaan sa public ang lahat pero keri na din may napaguusapan kami hahaha”
“Well Angge is in a much better place right now so i hope if ever hingan sya ng comment ng mga marites e wag na sya magcomment. Baka may masabi pa sa kanya” Well, sana nga wag nang magkomento pa si Angelica nang hindi na humaba ang isyu.
***
HEART ANNE AT SOLENN NAG-BONDING SA PARIS
SA Instagram ni Heart Evangelista, ibinahagi niya ang mga kuha nilang larawan na magkakaibigan — Heart, Anne Curtis, at Solenn Heussaff. Nagkita ang magagandang magkakaibigan sa Paris.
Sa series ng Instagram Stories ni Heart she shared snapshots ng reunion nila nina Anne at Solenn na kuha sa European country.
Maging si Solenn ay nagpost din ng reunion nilang tatlo at nilagyan ng caption, “It finally happened!”
Si Heart ay nasa Paris para sa fashion week ng bansa.
Kamakailan ay inanunsyo niyang parte na siya ng Dior family kaya um-attend siya ng couture fashion show.
“Ecstatic to spend my time here in Paris with a brand that has always been close to my heart = Merci @dior, for making me part of your ever-growing family!” pagbahagi ng Kapuso actress sa kanyang social media.
Samantalang sina Anne at Solenn naman ay nasa Paris with their families for vacation.