Advertisers

Advertisers

Angeline malaki na ang tiyan ayaw pa ilantad ang ama ng pinagbubuntis

0 174

Advertisers

Ni GERRY OCAMPO

WINNER ang OOTD ni Heart Evangelista nang pumunta sa Paris Fashion Week at ang gustung-gusto ng kanyang mga supporters ay ang outfit niyang black mini-dress with a V-neck at high heel boots na braless kayang kitang-kita ang side ng boobs.
Unang nag-daring outfit ito nang mag-swimsuit sa beach na pinag-usapan dahil bumakat ang kanyang pagkababae.
Itong ikalawang daring na suot ni Heart ay tinawag na “tiis ganda” photo shoot sa harap ng Eiffel Tower na makikita sa kanyang “Tiktok.”
Natuwa at naaliw ang mga nakapanood ng kanyang TikTok nang magsalita ito ng, “Hindi ko na kaya, `di ko na kaya.” keseshodang sinabihan siyang ng photographer na kaya pa niya.
Sa dami ng damit na isinuot ni Heart sa kanyang trip sa Paris ay curious ang netizens kung ilang maleta ang kanyang dala.
Samantalang magtatapos na next month ang serye ni Heart sa GMA 7, ang I Left My Heart In Sorsogon.
Sa mga sumusubaybay ng serye ay tila wala raw pipiliin si Heart kina Makoy (Paolo Contis) at Tonito (Richard Yap).
***
Angeline ayaw pa rin ilantad ang ama ng pinagbubuntis
EXCITED na si Angeline Quinto na magsilang ng kanyang first baby.
“Walang araw na hindi ako na-excite. Walang araw na hindi ako naging masaya. Kasi sa araw-araw na nangyayari sa akin ngayon sa pagbubuntis ko, may mga bagong pasabog `tong bata, eh.” say ni Angeline sa kanyang latest You Tube vlog.
Nakahanda na rin daw ang magiging room ng kanyang baby boy at nangako na ipapakita rin niya ito in the near future. Msayang-masaya rin si Angeline sa daming natatanggap na regalo para sa kanyang baby.
Sinagot ni Angeline sa nasabing vlog ang tanong ng kanyang fans tungkol sa pagbubuntis at nagbigay din ng update sa kanyang pregnancy.
Sa ngayon ay sobrang sensitive raw niya at minsan ay iyak siya nang iyak.
“Ewan ko, para nga akong nababaliw minsan. May time rin na iyak lang ako nang iyak na parang hindi ko naman alam kung saan nanggagaling yung kalungkutan ko.
“Hindi ko alam kung umiiyak ba ako dahil masayang-masaya ako o umiiyak ako dahil malungkot ako. Isa lang naman ang nagiging dahilan kung ba`t ako umiiyak – pag nami-miss ko ang Mama (Mama Bob na nakalakihan niyang ina).
“Pero yun, nagugulat din ako sa sarili ko, eh. Minsan naman ang saya-saya ko lang. Minsan naman, ayoko nang may kausap,” aniya.
Nasabi rin ni Angeline ang mga bagay na hindi na niya nagagawa ngayon malaki na ang kanyang tiyan, tulad ng pagkanta ng mahihirap na songs.
“Kasi dati, pag may mga inaaral akong kanta, parang hindi naman ako masyadong nahihirapan po sa paghinga kasi natural sa akin yung sanay sa ganu`n, kasi nga, di ba, nasanay ako na mga pang-contest ang kinakanta ko dati.
“Habang lumalaki yung tiyan, du`n ko napapansin na may mas effort na po talaga ngayon yung pagkanta ko. Kasi yung breathing ko, parang minsan, kinakapos ako.
May nagtanong naman kung puwede na niyang ibahagi kung sino ang ama ng kanyang pinagbubuntis.
“Darating din naman tayo diyan, mga ka-Twinkle,” sagot ni Angeline.