Advertisers

Advertisers

“Dilawan si Rowena Guanzon, may utang na loob sa mga Aquino”

0 293

Advertisers

INSPIRASYON SA BUHAY: “… Pag-aralan ninyong gumawa ng makatuwiran; pairalin ang katarungan…” (Isaias 1:17, Ang Tanging Daan Bibliya).

-ooo-

“DILAWAN SI ROWENA GUANZON, MAY UTANG NA LOOB SA MGA AQUINO, KAYA KONTRA SIYA KAY BONGBONG MARCOS”: Dilawan si Rowena Guanzon, ang papa-retiro ng commissioner ng Commission on Elections, at malaki ang kaniyang utang na loob sa dating mga pangulong sina Cory Aquino at Noynoy Aquino.



Ito ay batay sa mga pahayag sa media ni Atty. George Briones, ang punong abogado ng Partido Federal ng Pilipinas, ang partido ng dating Senador Bongbong Marcos, ang frontrunning candidate sa pagkapangulo sa Halalan 2022.

Sa pananaw ng marami, ito ang lumilitaw na dahilan kaya nagpahayag si Guanzon na sa kaniyang pananaw, dapat ma-qualify at hindi mapayagang tumakbong pangulo sa Halalan 2022 si dating Senador Ferdinang Marcos Jr., ang anak ng yumaong Pangulong Ferdinand Marcos, ang mahigpit na kalaban ng mga Aquino noon pa man.

Batay sa mga opisyal na record na inilabas ni Atty. George Briones, ang general counsel ng PFP, itinalaga si Guanzon ng yumaong Pangulong Corazon Aquino bilang OIC mayor ng Cadiz City, noong 1986, pagkatapos ng pang-aagaw ng kapangyarihan ng grupong mga dilawan.

Noong 2013, itinalaga si Guanzon bilang commissioner ng Commission on Audit ng anak ni Cory, si dating Pangulong Noynoy Aquino. Noong 2015, inilagay naman ni Noynoy sa Commission on Elections si Guanzon.

-ooo-



NILABAG NI GUANZON ANG BATAS SA PAGHAHAYAG NIYA NG KANIYANG BOTO KONTRA KAY MARCOS KAHIT WALA PANG PASYA ANG IBANG COMMISSIONERS-ATTY. BRIONES, PFP GENERAL COUNSEL: Maliwanag sa pananaw ni Atty. Briones na guilty si Guanzon ng bias, at pagkamuhi kay Bongbong, bunga ng kaniyang mga naunang pagtanggap ng mga biyaya at pabor mula sa pamilyang Aquino.

Sa isang press statement, sinabi ni Briones ang ganito: “Commissioner Guanzon was appointed by President Corazon Aquino’s revolutionary government as OIC mayor of Cadiz, Negros Occidental in 1986. In 2013, Guanzon was appointed COA (Commission on Audit) commissioner by the son (of Cory), President Noynoy Aquino…”

“And again in 2015, she was appointed by President Aquino as Commissioner in the Comelec (Commission on Elections),” dagdag pa ni Briones. Ito ang posisyong hawak ni Guanzon ng pitong taon, na kaniya namang iiwanan sa Pebrero 02, 2022, batay sa mga ipinag-uutos ng Saligang Batas ng 1987.

Premature, o wala sa panahon, ang pagpapalabas ni Guanzon ng kaniyang pahayag sa isyu ng diskuwalipikasyon ni Bongbong Marcos, paliwanag ni Atty. George Briones, general counsel ng PFP.

-ooo-

PFP, HUMILING SA COMELEC NA DISIPLINAHIN SI GUANZON SA KANIYANG “ILLEGAL DISCLOSURES” SA KASO NI BONGBONG: “Fake news” ang mga pagpapahayag ni Guanzon, dahil batay sa opisyal na record ng Comelec, wala pa namang desisyon ang dibisyon kung saan nakabimbin ang nalalabing usapin na isinampa ng mga kapanalig ni Vice President Leni Robredo.

“This is FAKE NEWS. This statement of Commissioner Rowena Guanzon is FALSE. NO DECISION HAS BEEN PROMULGATED BY THE COMELEC FIRST DIVISION,” ayon kay Briones. Ang ginawang ito ni Guanzon, dagdag pa ni Atty. Briones sa kaniyang press statement, ay paglabag sa kaniyang tungkuling pangalagaan ang integridad at karangalan ng proseso ng pagpapasya ng Comelec.

Dahil dito, sinabi ni Briones na humihiling ang Partido Federal ng Pilipinas na i-disbar o patalsikin sa pagka-abogado si Guanzon, dahil inilagay niya ang kaniyang mga kasamang commissioners sa kahihiyan, sa layuning ma-pressure sila upang suportahan ang kaniyang pananaw.

Lumilitaw din, batay sa pagpapahayag ni Atty. Briones, na hindi ni-respeto ni Guanzon ang mga proseso at alituntunin ng kaniyang sariling tanggapan, ang Comelec, dahil ayon sa mga alituntuning ito, tungkulin ng sinumang commissioner gaya ni Guanzon, na anuman ang kaniyang pasya ay sa chairman ng Comelec o ng kaniyang dibisyon muna ibibigay.

-ooo-

MANOOD, MAKINIG: Kakampi Mo Ang Batas, www.facebook.com/attybatas, www.facebook.com/radyopilipino, YouTube.com/kakampimoangbatas, Radyo Pilipino stations nationwide, at mga affiliated radio stations ng Kiss FM network, Sunrise News network, PowerNews Broadcasting Network, 95.5. J FM network.