Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
BALIK-vlogging ang broadcast journalist na si Karen Davila pagkatapos maka-survive ng Covid-19. Buwena-mano niyang guest sa kanyang vlog this 2022 ang Kapamilya heartthrob na si Donny Pangilinan.
Sa pagdalaw ni Karen sa house ni Donny, nalaman nitong at 23 ay hiwalay na itong namumuhay sa kanyang parents sa kanyang pad.
Aniya, may condo siya sa Makati pero mula noong magka-pandemic ay sa bagong pad na siya tumira na mas maluwag.
Sa kanyang pagdalaw sa actor, pinasalubungan din ni Karen si Donny ng paborito nitong salmon sashimi.
Sa kanyang panayam, na-reveal na greatest influence ni Donny sa kanyang career ang kanyang Tito Gary Valenciano.
Katunayan, lumaki raw siyang memoryado ang linya ng mga kanta nito dahil idol niya si Mr.Pure Energy.
Nagkataon lang daw na mas linya niya ang pag-arte.
Naibahagi rin ni Donny kung gaano siya ka-close sa kanyang brother at sisters.
Ang mommy daw niyang si Maricel Laxa ang siyang nagga-guide sa kanya kung saan i-invest ang kanyang mga kita.
May property din daw siya outside of the metro na malapit sa beach dahil he is a beach person.
Tungkol naman sa non-negotiables sa kanyang pamilya, ‘must’ daw para sa kanila ang magsimba tuwing araw ng pangilin.
Ten percent din daw ng kanyang kinikita ay napupunta sa simbahan bilang ‘tithe.’
Sa aspeto naman ng kanyang love life, inamin ni Donny na na-in love na raw siya noon sa isang girl noong nasa high school pa siya.
Ang siste lang daw ay na-friendzone lang daw siya.
Tungkol naman sa kanyang ka-loveteam na si Belle Mariano, espesyal daw sa kanya ang dalaga dahil marami raw silang bagay na pinagkakasunduan.
Aniya, para sa kanya girlfriend material daw ang aktres at totoong tao.
Inamin din niya na pagdating sa panliligaw, old fashioned siya dahil mas bet niyang gumawa ng love letters para ipaabot ang paghanga sa kanyang sinisinta.