Advertisers

Advertisers

Higit P3m shabu nasabat sa Pampanga

0 340

Advertisers

Nadakip na ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA ang kilalang tulak ng ipinagbabawal na droga sa lalawigan ng Pampanga partikular sa lungsod ng Mabalacat.

Kinilala ang nadakip na suspek na si Dennis Balaba y Cabero, 45 anyos, ng 7th St.Brgy, Lakandula Mabalacat City.

Limang medium plastic sachet na naglalaman ng 500 gramo ng shabu na tinatayaang aabot sa P3,400,000.00 pesos ang nasamsam ng PDEA.



Samantala, paglabag sa Republic Act 9165 or Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isasampa laban sa suspek.(Thony D. Arcenal)