Advertisers

Advertisers

Kylie all-out sa pagpapaseksi, bagong Reyna na ng Viva

0 230

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

FOR sure alam ni Jake Cuenca ang pinaggagawang sexy film ng kanyang dyowaer na si Kylie Verzosa.
Kung walang basbas nungkang gawin nito ang mga daring role sa latest movie nito.
Naiintindihan marahil ni Jake kung ano ba ang pinasok ng kanyang gf na Miss International 2016 dahil taga-showbiz din ito.
At trabaho lang ang lahat para sa pinaggagawa ni Kylie.
Dahil naman siguro sa basbas na ‘yun eh bigay todo nga raw ito sa mga scene with Paolo Gumabao.
Balita nga na si Kylie na ang Reyna sa Viva dahil wala itong kiyemeng gawin ang mga sexy film.
Kaya naman mapapansin na tuluy-tuloy ang project nito sa bakuran ng Viva. Mapangahas at matatapang nga raw ang content ng Viva.
Lalo pa nga raw na award winning ang direktor na si Brillante Mendoza sa latest nitong pelikula. Mahaba naman daw ang time na binigay ng direktor kaya need na aralin mabuti.
Dahil sa lakas ng loob ni Kylie na gawin ang mga daring role na wala itong kiyeme kaya diretso ang proyekto nito at dahil diyan kaya siya na ang Reyna sa Viva sa kanyang henerasyon.
***
Lloydie, Marian, Maine project fake news
NAGKA-Covid si Marian Rivera kaya agad napalitan ito para raw sa project na gagawin nina John Lloyd Cruz at Maine Mendoza.
May mga post kasi sa socmed na sinasabi na gagawa ng projects ang tatlo after bigla na lang nawala si Marian at may pumalit.
Pero maraming nagsasabi na fake news ang nasabing naka-post sa socmed.
At nauna pa ang socmed nag-anunsiyo na may project na gagawin ang tatlo.
At si Ariel Rivera naman daw ang ipapalit sa nawalang si Marian na nasa abroad pa yata kaya malabong mangyari ang project na inilusyon ng isang netizen. Well, well, well…’Yun na!