Advertisers

Advertisers

Louise bumigay nang todo sa pinagbibidahang sexy film

0 498

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

HINDI na rin bagopara kay Louise delos Reyes ang gumawa ng mga love scenes. Ilang pelikula niya sa nakaraan ay may mga ganitong eksena pero sa latest movie na ginawa niya with Diego Loyzaga na ‘The Wife’ na magsisimula nang mapanood sa Vivamax simula sa February 11 ay bumigay nang todo si Louise kay Diego sa isang love scene nila.
Mas palaban at daring kumpara sa mga nauna na niyang ginawang may kahalintulad na eksena. Kailangan daw kasi sa istorya to think na si Louise pa ang title roler kaya tinodo na ng aktres ang kanyang pagiging palaban sa matured scenes.
“I enjoyed my role as ‘The Wife’, ang bigat at na-stretched talaga ang emotions ko kasi halos lahat ng eksena, very demanding. But I gave it my all, my 100 percent.
“Thankful ako na si Direk Denise O’Hara helped me. Iba yung style niya sa pagdidirek, e. She really leads you sa kung anong gusto niyang mangyari, sa gusto niyang lumabas sa eksena,” say ni Louise.
Isa rin sa factor kung bakit napapayag si Louise na gawin ang pinaka-daring scene so far na nagawa niya dahil sa halos lahat ng kasali sa shooting ng eksenang yun ay pulos kababaihan.
“First time ko to be directed by a female director in a love scene. Nag-usap muna kaming mabuti ni Direk Denise and I saw her perspective as a female director in doing sensitive scenes.
“I became comfortable with her, also with her director of photography si Miss Lee Meily. Pareho silang very nanay. Aalagaan ka nila, paaalisin nila lahat ng taong hindi kailangan sa set. Very efficient sila, para makuha nyo agad ang eksena sa isang go, isang take lang. When I saw the love scenes, maganda naman lumabas. Sobrang happy ako and thankful sa pag-aalaga nila sa akin,” dagdag na say ni Louise.
***
ANGELINE QUINTO PINAGLIHIAN ANG BALUT AT PENOY
MASAYANG ikinuwento ni Angeline Quinto ang kanyang pagbubuntis sa isang vlogsite ng kapwa celebrity blogger.
Say ng power belter na maraming nagbago sa kanyang sarili, naging moody raw siya at nakaramdan ng pananakit ng katawan sanhi ng pagdadalang tao. And naging matakaw daw ang kanyang byuti lalo na pag balot ang pag-uusapan. Usually ay sa gabi ito nilalantakan pero kay Angeline, walang oras, mapa-umaga, tanghali o gabi, ay eat ng balot ang singer.
“Walang oras yung bigla-bigla kong maiisip na gusto ko ng penoy at saka balut. Gusto ko sa penoy yung medyo basa. Tapos maraming maraming suka at saka balut. Eh, kadalasan ng ganyan, di ba, kinakain natin iyan hapon o pag gabi. So sa akin, walang oras. Minsan parang after ng tanghalian, gusto kong maghanap ng balut,” pahayag ni Angeline.
Kung enjoy siya sa pagkain ng balot, dusa naman si Angeline sa kanyang pagtulog dahil sa naghahanap ng magandang sleeping position ang kanyang katawan or else susumpungin siya ng back pain na normal naman talaga sa mga buntis.
“Parang hindi ko na alam kung ano yung magiging posisyon, patagilid ba? Kasi hirap ako sa diretso. Bawal naman akong dumapa. ang sakit-sakit nung sa kaliwang balakang. Ang sakit, sobrang sakit,” dagdag na say pa ni Angeline.