Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
BILANG magulang, sinabi ni Marian Rivera na hindi nila naiwasan ni Dingdong Dantes na mag-aalala para sa kanilang mga anak nang magpositibo sila sa COVID-19.
Sa Chika Minute report ni Aubrey Carampel sa GMA News “24 Oras” nitong Miyerkules, sinabi ni Marian na mas nag-aalala sila para kina Zia at Sixto, na mga bata pa at hindi pa puwedeng bakunahan.
“Siyempre nakaka-panic kasi ‘di mo alam lalo na walang bakuna ‘yung mga bata,” ayon sa aktres.
“Ako naka-booster na ko so OK ako, hindi ba, pero pag ‘yung mga anak mo na wala pang bakuna, parang sandali lang, anong mangyayari? Anong kailangan nating gawin? So super panic,” patuloy niya.
Sa Facebook post nitong Linggo, ibinahagi ni Dingdong ang naging laban ng kanyang pamilya sa COVID-19. Halos lahat daw sila ay nakaranas ng sintomas ng sakit tulad ng lagnat.
Sa ngayon, halos lahat na sila ay gumaling na, ayon sa aktor.
“Masasabi kong siguro 95% recovered although may konting paubo-ubo pa,” aniya. “‘Yung kids naman clear na sila bumalik na ‘yung kanilang ganang kumain tapos si Zia balik na siya sa school.”
Balik na rin sa trabaho ang mag-asawa: si Dingdong sa “Amazing Earth” at sa “Tadhana” naman si Marian.
Hinikayat din ng mag-asawa ang publiko na magpabakuna para maprotektahan ang sarili at ang kanilang pamilya.
***
INILAHAD ni Mark Herras na nagpositibo ang kanyang pamilya sa COVID-19, at lalo pa silang nabahala nang nahawa maging ang anak niyang si Baby Corky.
“After two days of trangkaso, nahawa si Corky. So sobrang stressed kami, ako napaiyak, umiiyak ako noong gabi kasi nakita ko kung paano nahirapan ‘yung bata,” kuwento ni Mark sa Chika Minute report ni Lhar Santiago sa GMA News “24 Oras” nitong Huwebes.
“Pero sa awa naman ng Diyos, after a week lang din, medyo nawala na ‘yung symptoms namin,” pagpapatuloy ni Mark.
Isinilang ng asawa ni Mark na si Nicole Donesa si Baby Corky, o Mark Fernando, noong nakaraang taon.
Mapapanood si Mark sa upcoming GMA series na Artikulo 247 ng GMA.
***
“PWEDE Pa Ba” is Garrett Bolden’s fourth single under GMA Music.
Kapuso Soul Balladeer Garrett Bolden took to Instagram to thank his fans for supporting his self-penned song titled “Pwede Pa Ba.”
“Pwede Pa Ba” was released on January 28 under GMA Music and landed to the third spot on iTunes Philippines’ chart and Spotify Philippines’ New Music Friday Playlist.
This is Garrett’s first comeback since the release of his single “Our Love” in January 2021.
“Sobrang salamat sa pagtitiwala mga Kapuso. I still can’t believe that I’m on my fourth single. It’s all because of you. Salamat sa walang sawang suporta at pagtangkilik ng aking musika,” he wrote.
Listen to “Pwede Pa Ba” now available for streaming and downloading on iTunes, Apple Music, YouTube Music, and Spotify.