Advertisers

Advertisers

Pakikiramay sa pinatay ng mga NPA

0 293

Advertisers

BUMULAGA sa akin ang balita nang ang ama ng aking kaibigan at katrabaho sa Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) ng Butuan City Chapter ay pinasalang ng mga walang awang New People’s Army (NPA) noon lamang isang linggo.

Inulila ng pamamaslang ng mga hunghang na mga NPA si John Harold Alvarez at ang iba pa niyang mga kapatid. Kasa-kasama ni John ang kanyang ama na si Severino Alvarez sa KKDAT upang balikatin ang pakikipaglaban sa iligal na droga at kumunismo, di lamang sa kanilang lugar kung di sa buong bansa.

Ngunit tinalo pa rin sila ng kasamaan ng CPP-NPA-NDF, nang walong armadong miyembro ng komunistang-teroristang samahan ang walang habas na nilooban ang kanilang tahanan noong gabi ng January 24, 2022 at sa kanilang harapan ay pinatay ang kanilang amang si Severino, na ang dahilan ng mga demonyong NPA ay nagbibigay raw kasi ng impormasyon sa mga militar ang ama ni John.



Ulilang lubos na ngayon sina John at kanyang mga kapatid dahil maagang pumanaw din ang kanilang ina.

Bilang adviser ng KKDAT at taga-pagsalita ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), mariin kong kinukundina ang masamang gawaing ito ng mga NPA. Kaisa ko dito ang KKDAT Caraga, ang kademonyohang ito ng CPP-NPA-NDF sa pamilya Alvarez ay di katanggap-tanggap. Ang walang halagang pagpatay para lamang maisulong ang pinapangarap na maling idelohiya ang magbibigay sa inyo ng kaparusahan.

Ilan buhay pa ang inyong kikitilin at sasayangin bago magwakas ang inyong walang kwentang isinusulong na komunismo?

Nakakadismaya ang pagpapakitang ito ng mga CPP-NPA-NDF ng karumaldumal na paghahari-harian. Alam kong kaya niyo ito ginagawa ay para lamang maipakitang mayroon pa kayong lakas.

Ngunit nakakasiguro kami sa NTF-ELCAC na nalalapit na ang katapusan ng komunistang-terorista niyong samahan. Kakaunti na lamang din ang inyong pwersa at nasukol na ng militar ang karamihan, kaya nga nagsisuko na lamang ang karamihan sa niyong samahan.



Sisiguraduhin ng NTF-ELCAC na makakamit ng pamilyang Alvarez ang hustiyang magbibigay parusa sa mga gumawa ng kalapastanganang ito.

Taos puso rin ang ipinaaabot kong pakikiramay sa iyo John Harold at sa iyong mga kapatid. Makakaasa ka kaibigan, na di titigil ang NTF-ELCAC sa paghahanap ng hustisya para sa inyong mga naulila.