Advertisers

Advertisers

PODIUM FINISH NG ‘PINAS SA VIETNAM SEAGAMES, KAKAYANIN – CDM FERNANDEZ

0 189

Advertisers

OPTIMISTIKO ang Philippine Sports Commission (PSC) na kayang ipaglaban at manindigan ang mga atletang Pilipinoc para sa paparating na 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam sa Mayo 12-23.

Di man maipanalo muli ang overall championship o masungkit ang 149 gintong medalya tulad noong 2019, pero ang mas realidad ay ang Top Three na posibleng 100 golds.

Ayon kay PSC Commissioner at SEA Games chef de mission Ramon Fernandez.



“The PSC, headed by Chairman Butch Ramirez, believes in the Filipino athletes. We’re confident they will do well despite the limited training due to the pandemic,” ani Fernandez sa 3rd “Sports on Air Weekly” program nitong weekend.

Si Fernandez, binansagang “El Presidente” noong kanyang playing days mula 1972 hanggang 1994, ay sang- ayon sa assessment ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino na mahirap na misyon ang mapanatili ang overall championship sa SEA Games matapos na iskrapin ng host Vietnam ang mga events kung saan ay malakas ang Pinoy.

“Honestly, I’ll be happy if we land in the Top 3 of the standings. I’ll be very happy if we can get 100 golds,”dagdag ni Fernandez sa higit isang oras na sports program na matutunghayang live sa Facebook at YouTube.

The 68-anyos na basketball legend mula Cebu ay tinuran ang POC at ang national sports associations ang pinaka- mina ng medalyang nakaprograma para sa naturang biennial competition.

“It’s hard to say from the PSC side, but I’m hoping that our athletes will live up to our expectations and perform as well as they did here in Manila. Sa tingin ko, madaming atleta natin ma-retain yung gold nila. Yun iba na nakakuha ng silver at bronze, I’m sure may mag-improve din ang performance.”



“Hanggang dasal na muna tayo. Nandyan pa yan problema sa COVID. Palagay ko naman pati yung ibang Southeast Asian countries na-apektuahan din ang training.”

Inamin din ni ‘ Mr.Elegant Shot na prebilihiyo ng host country ang mamili na sports na pagtutunggalian sa SEAG.

“Sa SEA Games, lagi naman talaga nakalalamang ang host country dahil makapamimili sila ng sports. Ganun din naman ginawa natin nung 2019. Sa arnis lang, naka 16 golds tayo nun. Ngayon hindi kasali sa Vietnam. Tinuruan pa nga sila ni Sen. Migz (Zubiri) ng arnis, pero hindi pa din sinali,” ani pa Fernandez na binigyang diin ang pagsisikap ng sports agency upang matugunan ang mga pangangailangang ng national athletes sa direktiba ni Presidente Rodrigo Duterte mula nang siya ay i- appoint noong 2016.

“Gaya nga ng habilin ni President Duterte when we were appointed to the PSC, we have to take care of the athletes, including those coming from the grassroots,”ayon pa kay Fernnadez.

“If you ask me, I can say that the PSC did everything we can despite the limited budget due to the outbreak of COVID-19. That’s why even last year, nanawagan na kami sa mga LGUs natin na suportahan ang ating mga atleta, lalo na sa may mga mabababang cases ang virus. Madami naman tumulong, gaya ng Ormoc, Ilocos, Laguna at iba pa.”(Danny Simon)