Advertisers
Arestado ang isang telecommunications technician sa Davao City nang magbirong pasasabugin ang isang granada sa checkpoint nitong Linggo.
Ayon sa Task Force Davao, habang papasok ng Davao City ang 42 anyos na lalaki, bigla itong nagsabing may granada siya sa kaniyang bag.
Tinanong umano nito ang mga tauhan ng task force kung gustong pasabugin niya ang granada at ihagis ito sa gitna ng daan.
Bagaman walang granadang nakuha mula sa lalaki, inaresto pa rin siya sa paglabag sa Presidential Decree No. 1727 o Anti-Bomb Joke Law.