Advertisers

Advertisers

W na sana W!

0 244

Advertisers

Win na naging loss pa. Parang ayaw talaga kay Russell Westbrook ng mga basketball god.

Batid naman ng lahat na nasa pressure cooker ang lider sa triple-double. Mainit ang dugo sa kanya ng mga tagahanga magmula nang dumating siya sa Hollywood mula sa Washington. Tinuturing siya ang may balat sa puwit sa inaabot nilang kamalasan.

Ayon sa mga statistician halos na-maintain naman niya ang average sa points, rebounds at assists. Pati raw sa percentages.



Sabi naman ng mga fan ay sadyang hindi siya fit bilang ikatlo sa tinayong Big 3 ni Rob Pelinka. Ang ebidensya raw nasa kanilang standings. Noong umpisa ala sila naipanalo sa pre-season. Pagbigyan kasi practice pa lang daw at hindi kasama sa W-L record. Tapos sama ng mga unang game. Sige at makaka-adjust pa raw yan. Pero ngayon lagpas kalahatian na ng taon ay iba na raw usapan. May hangganan daw ang paghihintay.

Wala pa naman ang mga superstar na sina LeBron James at Anthony Davis pareho sa Charlotte. Redemption na sana sa laro kontra sa Hornets na pag-aari ni Michael Jordan.

Kaya nga tamang pagkakataon na niya magpakitang gilas. Chance nang magningning kanyang bituin para sa purple at gold.

Sa huling opensa ng Los Angeles kung saan behind sila ng dalawa ay namintis pa niya ang tres na magpapanalo.

Kakaiskor pa lang ng dalawang 3 rainbow shot bago ang niluwa ng ring na tira.



Si MJ nainis na nga sa kanyang team at pinahabol pa ang katunggali. Nilisan tuloy ang kanyang special place sa Spectrum Center. Huling-huli ang eksena ng mga cameraman ng television coverage.

Yung 30 points ni Westbrook sa 2nd half ay pinakamalaki mula nang nagawa ito ni Laker great Kobe Bryant. Naka-35 siya sa buong game.

Akala ng marami ito na ang vindication ng numero zero. Kaso tila ayaw ngumiti sa kanya ng kapalaran.

Hayun olat at bagsak ang koponan sa 24-26 na kartada. Pang-siyam na sila sa Western Conference.

***

Tuwang-tuwa si Dylan Ababou sa padala sa kanya ng dating kaeskwela sa UST na si Nome Theodore. Pinadeliberan siya ng mga iba’t ibang flavor ng inihaw na boneless bangus. Si Nomer ay may kakabukas na franchise ng Mr Dagupeno sa Dona Soledad, Better Living, Paranaque. Katabi lang ito ng Paranaque Doctors Hospital.

Nagpost pa ang ex-King Tiger sa kanyang Facebook account. “Super sarap ng mga patikim na mga milkfish, healthy food pa,”wika ni Dylan.

Nagkainjury kamakailan si Ababou kaya hindi nakalaro sa 3 on 3 ng PBA. Dapat kasapi siya sa Platinum Karaoke kaso nagka- achilles-tear siya.