Advertisers

Advertisers

Barbie ‘di marunong sumayaw kaya tsinugi sa GirlTrends; Angelica nagpaalala sa mga botante

0 244

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

SA nalalapit na Eleksyon 2022 ay gumawa ng campaign ad si Angelica Panganiban..

Marami ang bumilib kay Angelica dahil sa kanyang straight to the point na paalala sa mga botante.



Ayon sa aktres na marami nga raw manliligaw ngayon na ini-relate pa nito sa pag-ibig.

Nagpaalala ito na suriing mabuti dahil ang dami naw ngayon matatamis ang mga dila kaya huwag nga raw basta-basta magpabola.

Para raw ‘yan na manliligaw na madaming pangako kaya huwag pasisilaw.

At alamin din ang karakter ng bawa’t kandidato sa May 2022.

Uriin din sila sa Presidential Interviews at dyan daw nasusukat ang galing at kaalaman ng isang kandidato.



At ang track record na pipiliin na kandidato kailangan ay  malinis at walang bahid ng korapsyon.

Naku tiyak na maba-bash na naman ang aktres sa kanyang campaign AD.

***

SA tsikahan nina Vice Ganda at Barbie Imperial ay tahasang inalam  ng TV Host kung talagang natanggal ang aktres sa grupong GirlTrends.

Ngingiti ngiti lang ang aktres habang inuurirat siya ni Vice.

Kung natanggal ka eh okey lang magsolo at huwag kang mag-alala, tsugi naman kayo lahat ‘di ka nag-iisa biro pa ng komedyante sabay tawa.

Ang dahilan daw ng pagkakatanggal kay Barbie sa grupong GirlTrends ay hindi ito marunong sumayaw ayon sa mga source.

At umamin si Barbie kay Vice na nag-enroll naman ito ng dance workshop.

Kaya naman ang mga viewers ay bitin sa kudahan nina Vice at Barbie.

Natanggal kaya siya dahil di siya marunong sumayaw o binuwag na ang grupo?

Samantala, til now eh tahimik pa rin si Barbie sa real score nila ng bf na si Diego Loyzaga.     Well, well, well…’Yun na!