Advertisers
Ni WALLY PERALTA
NAGING usap-usapan kamakailan ang pahayag ng actor na si Joshua Garcia na may crush siya kay Janella Salvador.
Ang catch kasi kung kailan may anak na one year old na si Janella at may partner na si Markus Paterson saka lang naging vocal sa pagsasabing may admiration siya sa aktres, na ngayon ay bisi-bisihan bilang bagong Valentina sa Darna series na pagbibidahan ni Jane de Leon bilang Narda/Darna.
Ano naman kaya ang naging komento rito ni Janella nang makarating sa kanyang kaalaman ang bagay na ito?
“Ah shockening! Sinabi na naman niya yon sa akin dati. Noong ‘Killer Bride’ pa, he told me at nakita ko rin ‘yung ibang interviews niya dati. So napag-usapan na namin ‘yon ni Joshua,” say ni Janella.
Say pa rin ni Janella, nung una niya itong malaman ay happy siya sa paghanga sa kanya ni Joshua. At hanggang sa ngayon ay nakikita pa rin ni Janella ang respeto kay Joshua.
“Ano ba ang reaksyon ko? Natuwa ako sa kanya kasi ‘yung pagkasabi niya sa akin he really respects me. So ‘yun ‘yung maganda kay Josh. Magiging masaya rin si Joshua. Deserve niya,” dagdag na say ni Janella.
***
UNANG napanood si Wilbert Ross, dating Hashtag member, sa movie bilang leading man ni AJ Raval, pero by this time ay ila-launch na siya via his own lead role movie na ‘Boy Bastos’ kasama sina Rose Van Ginkle as Wilbert’s teacher with whom he has fallen in love, Jela Cuenca as Wilbert’s classmate who wants to have sex with him, Bob Jbeili and Andrew Muhlach as Wilbert’s best friends and Rob Guinto as a sexy student in Wilbert’s school.
Ano naman kaya ang naging first reaksyon ni Wilbert nang malaman niya siya ang bibida sa ‘Boy Bastos’ na showing na sa Feb.18 sa Vivamax?
“Ang saya ko when I was told na ako ang gaganap na ‘Boy Bastos’. Pero kinabahan din ako kasi title role ito at grabe ang pressure kasi ako ang mismong sentro ng movie. But I want to thank Vivamax for giving me this break and this chance na magampanan ang isang character like Boy Bastos,” say ni Wilbert.
Sa naturang movie na mala-American Pie ang dating ay maghuhubad na si Wilbert, magjajakol at may mainit na love scene sa kanyang leading lady na si Rose.
“Kinabahan ako sa mga sex scene bilang Felix at Wilbert. Parang kinakabahan ang karakter ni Felix, kinakabahan din si Wilbert. Oh my God, magpapakita na ako ng mga kung anu-anong bagay.
“Pero satisfied ako sa ginawa ko. Wala akong regrets dahil alam kong kailangan siya sa eksena. Yung mga nakitang paghuhubad, merong purpose kung bakit ko ginawa, so walang reason para tanggihan ko ang ‘Boy Bastos’.
“Maganda ang script, maganda ang karakter, maganda lahat. Yun ang mga dahilan kaya hindi ako nag-doubt kahit konti man lang,” dagdag na say pa ni Wilbert.
Mag-subscribe na sa Vivamax sa halagang P149 kada buwan, at P399 naman para sa tatlong buwan. Bisitahin ang web.vivamax.net o i-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store, Huawei App Gallery and App Store.