Advertisers
Ni BETH GELENA
HAHAHAHA… Nakakalokah itong Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid. Imagine pinangatawanan talaga niya ang pagiging Certified Marites.
Maraming netizens ang naaliw sa kanya nang ‘panindigan’ nito ang pagiging marites.
Nitong nakaraang Biyernes, nag-post ang singer ng ilang litrato kasama si Francine Diaz upang batiin ito ng kanyang 18th birthday.
“Thank you po, Ms Reg!” pasasalamat ng young actress sa batikang singer.
Sa nasabing larawan ay parang nakiki-chismis ang Asia’s Songbird kina Francine at Krystal Brimner.
Kuha ang mga litrato sa labas ng ASAP Studio sa loob ng ABS-CBN compound.
Ang caption ni Reg sa kanyang post, “’Yung nasa top 30 ka ng mga Marites sa bansa. My name is not that common right? So malamang ako talaga ‘yun,” ani Regine.
Sa nilabas kasing listahan na mga certified Marites umano ay isa ang name ng singer sa nakasulat.
Sambit pa nga niya, dismayado siya dahil hindi siya nakasama sa Top 10.
“But actually I’m a little disappointed kasi no. 29 ako I was expecting at least top 10 di ba so ito na since I have a reputation now as one of the top Marites……..oh ha!” sambit ni Regine.
Pinatotohanan naman ni Jolina Magdangal ang pagiging Marites ni Regine at sinabing ginagawa umano talaga ito ng kanyang kapwa singer sa totoong buhay.
“Ate Reg! Ganyan ka talaga! Hahahaha!!! Naalala ko nung nag chichikahan kami ni Kyla, kakalabitin mo pa kami tapos sabihin na ‘ano yun ano yun?’ Hahahahaha,” ani Jolina.
***
MAY dahilan kung bakit makikipag-collab si Joshua Garcia kay Ivana Alawi sa isang vlog.
Gusto raw muna niyang makilala pa nang husto ang sensational vlogger bago sila gumawa ng vlog.
Sinabi ni Joshua sa isang panayam na dapat ay magkakilanlan muna sila nang mabuti bago sila gumawa ng proyekto nang hindi siya nangangapa ng gagawin kapag kaharap na ang sexy-actress-vlogger.
“Sabi ko nga kay Ivana, ‘gawin na natin ‘yung content kapag mas kilala na natin ‘yung isa’t isa’ alam mo ‘yun? Para mas masayang gawin.”
Tinanong siya kung dapat daw bang magkaroon muna sila ng first date?
Sagot ng aktor: “Hindi kasi bago pa lang naman kaming nag-uusap, hindi naman kami totally magkakilala pa.”
Dagdag pa niya “Medyo patagalin muna namin ‘yung friendship namin. Mas kilalanin pa namin ‘yung isa’t isa.”
Kamakailan lang ay headline ang dalawa nang mag-guest si Joshua sa ‘Truth or Dare’ na napapanood sa Kumu.
Kinontak ni Joshua si Ivana at tinanong ang huli kung siya ba ay “jojowain” o “totropahin.”
“Secret” ang isinagot ni Ivana, pero halatang kinikilig habang kausap ang actor sa kabilang linya.
Anyway, marami na ang naghihintay sa pagko-collab ng dalawang sikat sa Internet platform.
Si Ivana sa YouTube Channel.samantalang sa TikTok naman si Joshua.
Aba, kung may 17-M subscribers si Ivana sa YT, may 20 million viewers naman si Joshua.
***
CARLO AT PRATTY GAGAWA NG BL
SWAK ang Truth or Dare na napapanood sa Kumu lalo pa at ang mga guest ay celebrities.
Kamakailan ay guest ng interactive show ng ABS-CBN sina John Prats at ang kaibigang si Carlo Aquino.
May dare kay Carlo na tawagan niya ang kaibigang direktor-aktor para i-prank.
Sumunod naman ang hot item na actor dahil sa paghihiwalay nila ng partner na non-showbiz girl.
Si Carlo na ang nag-isip kung anong pagpa-prank ang sasabihin kay John.
Tumawag siya sa kaibigan at sinabing, “Direk! Pratty, sorry ah. Tulog ka na ba? Busy ka? Isang mabilis lang. Kung may mag-offer sa iyo ng isang pelikula, tayong dalawa, okay ba sa‘yo?” tanong ni Carlo.
“Oo naman,” agad na sagot ni John.
“Sure ka?
Sinabi ni Càlo kung ano ang concept story ang kanilang gagawin.
“Ano kasi ‘to, BL, tapos parang love triangle. Tapos nakita na nila si Stefano (Mori). Si Stefano ‘yung ka-love triangle natin,” sey ni Carlo.
Ang lutong ng pagkakamura ni John sa kaibigan.
“P*tang in*, totoo ba ‘yan?” sagot ni John habang pinìpigil ni Carlo ang pagtawa.
Dahil hindi na napanindigan ni Carlo ang pagpa-prank nang marinig ang reaksyon ni John agad na siyang kumambyo na, “Prank ‘to, prank. Nasa kumu ka, nandito kami sa operation Odette: Isang Daan sa Pagtutulungan. Mag-hi ka sa kanila.”
Dagdag pa ni Carlo, “Madalang lang ako tumawag dito kay Pratty kaya seryoso ‘to kapag tumatawag ako.”
“Nagulat naman ako tayong tatlo, love triangle pa,” sabi ni John. “Nagulat naman ako sa tanong mo.”
“At saka sa edad natin, ano?” natatawang sabi ni Carlo.
Samantala, malapit nang matapos ang serye ni Carlo na La Vida Lena.
Hinggil naman sa isyu.nila ng live-in partner hindi pa rin nagsasalita ang aktor.
Idinadaan na lang muna nuya sa pagpo-post ng cyptic sign kung may gusto man siyang sabihin.