Para magka-lovelife… Kim nagpayo sa single ladies, magsuot ng red undies ‘pag Chinese New Year; Kris binuking, ex-dyowang si Mel, tinangay lahat ang mamahaling relo nang lumayas
Advertisers
Ni GERRY OCAMPO
DAHIL sa mga post ni Kris Aquino sa social media ng kanyang kalagayan sa ngayon na kailangan pa nga siyang pumunta sa ibang bansa para doon magpagamot ay nasa kanya ngayon ang simpatiya ng publiko.
Maging ang mga nakasama niya sa showbiz industry ay nanawagan ng dasal para sa kanya.
Marami rin ang naawa sa kanya nang iwanan siya ng ex-fiance na si Mel Sarmiento matapos lang ng tatlong buwan ay nakipagkalas na sa kanya at ang masakit ay sa text lang ito nakipaghiwalay.
Kaya naman marami ang nanghusga kay former DILG Secretary na kung kailan siya kailangan ni Kris ay doon pa siya iniwanan nito.
Hindi napigilan ng kahit sino na maglabas si Kris ng kanyang saloobin nang hiwalayan ni Mel. At doon na rin natuklasan ni Kris ang maraming misteryo ng ex-fiance.
Ang inakala daw niyang knight in shining armor na magtatanggol sa kanya ay manggagamit daw pala.
Dahil sa sobrang pagkadismaya ni Kris kay Mel ay may naikuwento ito na binitbit daw lahat ng ex-fiance ang lahat ng branded na regalo na binigay niya nu`ng sila ay nagsasama pa sa condo.
***
MAGKASAMANG ipinagdiwang ng magdyowa na sina Kim Chiu at Xian Lim ang Chinese New Year last Feb. 1.
Sa kani-kanilang Instagram page makikita ang kanilang larawan habang sinasalubong nila ang Chinese New Year.
Naglabas pa ng vlog si Kim tungkol sa paghahanda at mga do`s and don`ts na talagang ginagawa niya kapag sumasapit ang Chinese New Year.
Ipinakita ni Kim sa nasabing vlog ang pagpunta niya sa Binondo para bumili ng mga pampasuwerte at humingi na rin ng forecast para sa Year of the Tiger.
Believer kasi si Kim at yun na rin ang kanyang kinalakihan bilang galing sa Chinese family.
Pumunta at kumonsulta rin si Kim sa isang feng shui master para alamin kung ano ang dapat niyang iwasan o dapat gawin at malaman na rin kung masuwerte ba siya sa Year of the Tiger.
Natuwa si Kim nang sabhin sa kanya na masuwerte sa kanya at maging kay Xian ang year 2022.
Hinulaan din siya ng feng chui master na prone siya sa careless accident pero wala naman daw major.
Ang hindi raw talaga niya puwedeng kalimutan ay bumili ng wishing paper tuwing Chinese New Year. Isinusulat daw niya sa naturang papel ang lahat ng wish nila for this year at talaga raw marami ang nagkakatotoo sa kanyang mga sinulat.
“Ako, meron akong isinulat, nagkatotoo talaga. Nakabili ako ng vacation house,” aniya.
Pagdating niya ng bahay ay sinimulan na ni Kim ang ritwal at paghahanda for Chinese New Year.
Binahagi rin ni Kim ang mga paniniwala nila tuwing Chinese New Year na parte ng kanilang kultura. Nandiyan ang bawal maligo ng New Year`s Day. Bawal ding magwalis at magpagupit ng buhok, pati na ang pagmumura at pakikipagtalo.
Bawal din daw uminom ng gamot sa New Year`s Day para makaiwas sa sakit sa buong taon.
At ang huling Chinese belief na laging ipinapayo ni Kim sa mga single ladies, “Wear brand new red underwear to attract love this 2022.”
Inamin ni Kim na ginagawa niya ito noong wala pa siyang boyfriend.