Advertisers

Advertisers

Angelica ayaw pasakal sa non-showbiz bf

0 353

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

PARA kay Angelica Panganiban, masasabing ibang klase ng level ng relationship niya sa non-showbiz boyfriend na si Gregg Homan.

“‘May happiness siya from within,”aniya.



More than the kilig, mas kalma raw o may kapanatagan ang naramdaman niya ngayon kumpara sa past relationships.

“Feeling ko ‘yun ang importante sa lahat, kumalma ako. And ‘yun nga siguro ang magic eh. Noong una kaming nagkita, hindi siya exciting, walang ganun. Calm ‘yung naramdaman ko. Parang okay ‘to ha. Pwede pala ‘yun maramdaman sa isang tao na gusto mo and na-maintain ‘yun hanggang ngayon,” aniya.

Malaki rin daw bagay para sa kanya na nirerespeto ng kanyang partner ang kanyang trabaho bilang artista.

“Siguro andoon ‘yung klase ng respeto niya sa akin and ako rin sa kanya na kung ano ang trabaho ko, trabaho ko ‘to and kaya ko ‘to,” paliwanag niya.

Hirit pa niya, ayaw din daw niyang masakal sa isang relasyon kaya sa simula pa lang ay nilinaw na niya ang lahat sa kanyang nobyo.



“Sabi ko, ‘Seloso ka ba? ‘Wag ha.’ Ayoko masakal and makulong na malilimitahan ‘yung gagawin ko dahil lang nagmahal ako. Siyempre ang sarap noong tanggap mo, and naiintindihan mo and proud ka,” ani Angelica.