Advertisers

Advertisers

Bea at Dominic iniintriga ang relasyon

0 262

Advertisers

MABUBUTING halimbawa sina Susan Roces, Vilma Santos, Sharon Cuneta, Lorna Tolentino at Lani Mercado ng mga asawang pinahalagahan ang kapakanan ng kanilang pamilya. Napagtagumpayan nilang magkaroon ng hindi wasak na relasyon sa kanilang mga asawa, noon hanggang ngayon.

Hindi maitatanggi ang mga katotohanan na sina yumaong Action King Fernando Poe, Jr. at Rudy Fernandez ay kapwa lapitin ng mga tuksong kababaihan sa loob at labas ng showbiz. Matibay ding patunay si Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr. Habang sina Senators Ralph Recto at Francis “Kiko” Pangilinan ay paulit-ulit ng nabalitang mayroon umanong lihim na ugnan sa ibang babae.

***



TINITINGALA at papalakpakan ang mga paninindigan nina Susan, Vilma, Sharon, Lorna at Lani dahil pinanghawakan nila ang salitang “Ang pinagsama ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng tao!” kaya anuman ang dusang tinik sa damdamin na kanilang naranasan sa mga panahong nilalapitan ng tukso ang mga pinakasalan ay nagtiis lang sila. Pero sa dulo ng lahat ay taas-noo pa rin sila dahil sila ang mga legal na asawa.

***

PALABAN na rin talaga si Harlene Bautista bilang isang movie producer sa pamamagitan ng Heaven’s Best Productions dahil tuluy-tuloy lang ang paggawa nila ng mga pelikula na suwerteng nagkaka-award pa.

Hindi pa apektado si Harlene bilang movie producer kung sa paggawa ngayon ng pelikula ay mahirap kumuha ng mga artistang may malaking pangalan, dahil ang mga sikat na artista ay nasa bakuran ng GMA-7, ABS-CBN, Viva Films at Regal Films.

“Willing naman kami kumuha ng malalaking artista kung kailangan sa kuwento ng pelikula. Sa ngayon, happy kami na nakakagawa kami ng mga pelikulang magaganda talaga ang istorya,” banggit ni Harlene nang makakuwentuhan namin sa Dulcenea, Tomas Morato.



Hindi lang bilang movie producer ang kaabalahan ngayon ni Harlene. Tutok din ang suporta niya’t panahon sa kandidatura ng kanyang mga kapatid na sina Hero Bautista at dating Quezon City Mayor Herbert Bautista na tumatakbo bilang Senador. “Pamilya, eh. Kaya suportahan talaga,” sey pa ni Harlene.

***

HINDI naman pinapatulan nina Bea Alonzo at Dominic Roque ang mga nang-iintriga sa kanilang relasyon. Pareho silang abala at masaya sa kanilang trabaho.

Pinaninindigan ni Dominic ang pagmamahal niya kay Bea. Pero aminin man o hindi ng guwapong aktor, ikinalulungkot din niya ang pang-iintriga, na dahil big star si Bea ay napakalayo ng agwat ng kanilang kabuhayan dahil haciendera at milyonarya na ang magandang aktres.

“Nalulungkot siyempre si Dominic. Paulit-ulit naman kasi ang intriga. Pero nagsisikap naman magtrabaho ‘yung bata, kaya minsan, tinatamad nang mag-artista,” wika ng talent manager na si Ramon Yuson.

Apo ni Ramon sa pamangkin si Dominic. Ang young actor ay pamangkin ng aktres na si Beth Tamayo. “Magkasundo naman ang family ni Bea at family ni Dominic. Alam ko, may mga negosyo siya, kuwento sa akin ng mama niya,” wika pa ng talent manager.