Advertisers
Ni WALLY PERALTA
SA seryeng pinalabas sa GMA-7 , ang “I Can See You: Alternate” na pinagbidahan nina Dingdong Dantes in a dual role at Beauty Gonzales. Para maging kapani-kapaniwala ay kumuha ang GMA7 ng isang Kapuso actor para gampanan ang isa sa twin character ni Dingdong.
Itinago ang identity ng naturang double ni Dingdong hanggang nitong huling linggo ng pagpapalabas ng “I Can See You: Alternate” ay tuluyan na ngang ini-unmasked ang naturang Kapuso actor, si Dion Ignacio.
Impress kaya si Dingdong sa naging acting at kilos ni Dion para lumabas na twin character talaga sila?
“He was very committed and passionate on his role. He also went through all the step I had gone through in creating these characters with me. Sometimes I even get tips from him whenever he wears the Nate and or Michael hat,” say ni Dingdong.
Hindi lang pagpabor kundi paghanga pa ang binigay ni Dingdong kay Dion sa pagiging double niya.
“And I think for a person to succeed in this industry, a good working attitude would trump talent any given day. Dion has both,” dagdag na say pa ni Dong.
Samantala, labis naman ang pasasalamat ni Dion sa papuring ibinigay sa kanya ni Dingdong.
“Hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala na makakasama ko ang isa sa mga beterano at premyadong aktor na si kuya dong @dongdantes sa isang obra na talaga namang pinag-iisipan at pinaggugulan ng panahon, talento at sining. Sobrang proud ako na ako ang napili na ka alternate mo,” say ni Dion.
***
UNA niyang ginulat ang moviegoers nang gawin nila ni Andrew Muhlach ang isang matinding sexy scene sa pelikulang ‘Siklo” na bigay na bigay si Rob Guinto sa lovescene nila ni Andrew habang nasa hagdanan.
Ngayon naman ay muling magbibilad ng kaseksihan si Rob sa launching movie ng dating Hashtag member na si Wilbert Ross. Ginampanan ni Rob sa movie na ‘Boy Bastos’ streaming sa Vivamax simula Feb.18 ang isang seksing estudyante sa campus ni Boy Bastos, at nagtratrabaho naman sa bar pagdating ng gabi.
“May ganun naman talaga in real life. Mga estudyanteng nagtatrabaho sa isang bar para may pang-tuition. Doon ko mami-meet si Wilbert at ang barkada niya, sina Bob Jbeili and Andrew Muhlach,” say ni Rob.
Hanggang saan kaya kakayanin ni Rob ang pagpapaseksi at paghuhubad para sa kanyang showbiz career?
“Sa akin, okay lang kahit ano, anything. Basta sa ikagaganda ng movie, ready ako. Walang problema sa akin.
“Marami namang nagsimula sa sexy roles pero kinilala sa pagiging magaling na aktres so sana, later on, mabigyan ako ng challenging roles para maipakita ko namang may talent din ako sa pag-arte,” dagdag na say pa ni Rob.