Advertisers

Advertisers

ISKO MORENO for President

0 365

Advertisers

Greed is a bottomless pit which exhausts the person in an endless effort to satisfy the need without ever reaching satisfaction. — German social psychologist Erich Fromm

MAHIGIT ng dalawang taon ang pandemya subalit hanggang ngayon ay hindi pa rin naniniwala na may kumakalat na Covid-19 ang ilan sa ating mga kababayan. Sa tingin nila, hawa-gawa lang daw ng pamahalaang Duterte na may sakit at ang dahil sa pagpapakalat nito ay dahil sa kumikita sila habang may banta ng coronavirus.
Sa totoo lang, hindi naman fake news ang tungkol sa Covid-19 kanya lang ay marami ang nag-take advantage para kumita sa krisis. Marami kasing nakakita ng pagkakakitaan, tulad ng pagbebenta ng face mask, face shield at marami pang iba na sinasabing pangontra sa sakit.
Ngayon nga ay napapabalita na magkakaroon pa ng ika-apat na dose ng bakuna. So, pera na naman ‘yan at sino naman kaya ang makikinabang?

Dapa na ang sambayanang Pilipino pero inaabuso pa ng mga ganid sa ating pamahalaan.



* * *

INAMIN umano ni presidential aspirant FRANCISCO ‘Isko Moreno’ DOMAGOSO na may natirang pera mula sa mga donasyong ibinigay sa kanya noong tumakbo siyang senador noong 2016 national and local elections.

Nang marinig ito ng isang dalahirang kapitbahay ay sinabi nito na ito na marahil ang dahilan kung bakit natalo si Domagoso sa kanyang senatorial bid dahil hindi pala napondohan ng sapat ang kanyang pangangampanya dahil naibulsa niya para ang ilang milyones din; kaya pala marami siyang pera ngayong tumatakbo siya sa pagkapangulo.

At hindi ba nga napabalita rin na nagbigay kay Isko ang negosyanteng si ENRIQUE RAZON ng PhP2 bilyon para sa kandidatura ng alkalde ng Maynila

Habang maaaring may katotohanan ang balitang ito, naniniwala pa rin tayo na ang alkalde ay ‘nakapag-impok’ ng sapat na salapi mula sa kanyang ‘kinikita’ bilang local chief executive ng lungsod.



“Nawala pa d’yan iyong offer ng Divisoria sa kanya na milyones para lang hindi magalaw at mapatigil ang mga vendor na pinagkakakitaan ng ilang mga opisyal ng lungsod at lokal pulisya,” tinumbok pa ng isang city hall insider.

Well said . . . pero iboboto ko ang dating aktor na ngayo’y isang beteranong politico na, iboboto ko siya bilang presidente—presidente ng Asosasyon ng mga Ghost Employee sa Maynila.

* * *

PARA sa inyong komento o suhestyon, reklamo o kahilingan, magpadala lamang ng mensahe o impormasyon sa aking email na filespolice@yahoo.com.ph o dili kaya’y i-text n’yo na lang ako sa aking cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 09391252568 para sa Smart. Salamat po!