Advertisers
Ni JOVI LLOZA
KC, may isang bagay na regalo ng ex na ayaw mawala.
SA vlog ni KC Concepcion ay pinasilip nito ang kanyang tinitirhan na nakadisplay ang sandamakmak nitong collections.
After ng pagpapasilip ni KC sa kanyang tinitirhan ay pumuwesto ito sa isang malaking cabinet na nandoon ang lahat ng kanyang collections.
May pa Qand A si KC sa kanyang team na ang tanong ay related sa kanyang collections.
May nangahas naman na nagtanong na ano sa mga ito ang ayaw niyang mawala.
Hinawakan naman ng singer-actress ang gold mug na bigay ng kanyang ex.
Fave at gandang ganda nga raw ito sa nasabing mug na ayaw niyang mabasag.
Kaya napaisip naman ang netizens sino ba sa mga ex nito na nagbigay sa kanya ng face nitong mug na ayaw nitong mabasag.
May nagbuking na netizens na galing nga raw kay Paulo Avelino ang nasabing mug.
Taon 2013 nang aminin ni Paulo na niligawan niya si KC at sa muling pag-guest nito makalipas ang 2 years, 2015 ay umamin ang aktor na naging sila ng aktres.
Hindi na nga idinetalye pa ni Paulo ang dahilan ng kanilang hiwalayan.
Bukod sa may sentimental value ito ay fave ni KC kaya isinama na niya ito sa kanyang koleksyon.
***
MARAMI ang napa-Wow sa pa-pandesal ni Alden Richards.
Noong Pebrero 2 ay nag-post ang Pambansang Bae sa kanyang socmed ng kanyang larawan na naka-topless.
Umabot sa 76,000 likes at 1K comments ang nasabing pic.
Pagsisilbihan, lulutuan, ipaglalaba, luluhuran, etc. etc ang mga komento sa topless photo ni Alden.
Mas lalo naman naglaway ang netizens nang makita nila ang abs ng aktor.
Preparasyon yata ni Alden sa isang proyekto ang larawan na idinetalye ng aktor sa kanyang socmed.
Naghahanda na rin ito sa pagsasama nila ni Bea Alonzo sa isang project.
Napakasuwerte nga raw ni Alden sa kabila ng pandemya ay marami pa rin itong work at isa na lang sa wini-wish ng netizens na magkadyowa na si Alden lalo pa’ magba-Valentine’s Day na.
Well, well, well…’Yun na!