Advertisers
Ni BETH GELENA
LEVEL-UP na si Sofia Andres sa estado niya sa buhay.
Kasalukuyang nasa Spain ang aktres kasama ang unica hija nila ni Daniel Miranda.
Binisita lang naman ni Ambassador Philippe J. Lhuillier ng Spain ang apo na si Daniel at ang mag-ina nito.
Sa social media ni Sofia ibinahagi niya ang larawan nila ni Daniel at ang anak with Amb. Lhuiller.
Nilagyan ito ni Sofia ng caption: “My baby lgve was so excited to visit her great grandfather this morning. Thank you @danielmiranda_& Tito Philippe for the Embassy tour.”
Pinagpiyestahan naman sila ng mga netizens.
“Wow altang alta na talaga sya! Sana pakasalan sya, goodluck sofia”
“Nasa spain na naman sila?”
“infair ang ganda nya talaga sa pics wag lang sya mag vi video.:
“parang last time nag Portugal sila e tapos nasa Spain naman now aba iba talaga”
“Jackpot ka talaga girl! Sana All talaga hehe”
“Bakit ang nega ng mga tao kay sophia? Lol. Nakapag asawa ng alta so of course, her life is gonna change. ”
“In fernez jackpot talaga si sofia! Gwapo, mayaman, at mukhang loyal ang jowa at accepted ang pamilya niya!”
“Legit alta nakuha ni ate wag mo nang pakawalan girl.”
***
MAY hugot post si Angelica Panganiban, tungkol sa mga paasa at magnanakaw:
“Huwag magpapabudol,” sambit niya sa ginawang two-minute video clip tited “Naloko ka na ba ng pagmamahal sa maling tao” na mapapanood sa socmed.
Walang pinatutungkulan ang aktres kung eto ba ay mga actor ma nalilink sa kanya o pulitiko.
What she was saying was that she went through a lot of experiences, heartaches in life. “Ilang beses akong iniwan sa ere. Ilang beses din akong nasaktan. Lagapak, beh! Dapang-dapa! Ninakawan ako ng pag-asa at pangarap,” lahad ng aktres.
“Minahal ko, e. Pinagtanggol ko pa nga sa mga friends ko. Pero, wala! Nganga! Mambubudol pala,” dagdag pa niya.
Kaya advice ni Angge, “Ingat-ingat sa mga tao. Kilatising mabuti ang mga manliligaw. Halughugin ang biodata mula high school hanggang college. Alamin at tingnan ang character references.
“Huwag magpapabudol, at huwag sa magnanakaw!” sey pa niya.
***
SI Bongbong Marcos ang inendorsong Presidente ng Pilipinas ng mag-asawang Mayor Richard Gomez at Congresswoman Lucy Torres.
Ayon kay Ormoc Mayor Richard, “Ferdinand ‘Bongbong’ MarcosJr. is the only presidential aspirant who aided his city during disasters. This is quickly fact-checked by PressOne, which cites instances when Manny Pacquiao and Leni Robredo came to Ormoc’s aid.”
Inanunsiyo ng celebrity couple sa lunch meeting with Marcos Jr. at a restaurant in Quezon City last January 31.
Sambit ng mag-asawa, “Marcos Jr. is the “most vilified because he is the most popular.”