Advertisers

Advertisers

Heart gradweyt na sa paggawa ng serye; Kristoffer pinakasalan na ang ina ng anak

0 206

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

HINDI naging hadlang para kay Heart Evangelista na ituloy ang kanyang balak na totally ay out na siya sa mga teleserye project kahit pa mataas ang ratings ng kanyang latest serye or may we say last seryeng ginawa? Sa huling linggo ng serye niyang ‘I Left My Heart in Sorsogon,’

“Acting will always be a first love but for soap operas maybe it’s time for me to graduate. I’ll miss it very much,” say ni Heart sa isang larawan na kanyang post sa sariling socmed account.



Marami man sa kanyang followers ang nagulat sa desisyon na ito ng kanilang idolo, ang tanong nila kay Heart ay kung paano na ang kanyang showbiz career at kung mapapanood pa ba nila si Heart?

Ayon pa rin kay Heart, may  TV projects that she would still be open to, like three-episode specials at maaaring wala man siyang gawing serye ay hindi naman daw niya iiwan ang paggawa ng pelikula at tila ito ang puntirya ngayon ni Heart.

Gayunman, may malaki siyang problema pag dating sa paggawa ng isang pelikula, ang kanyang oras o availability to shoot sa dami ng kanyang commitments lalo na sa labas ng bansa na madalas siyang maimbitahan sa mga special events lalo na yung may kaugnayan sa fashion event.

“I said it with finality the last time, but when I started to watch the show, I realized how I also loved acting din pala,” dagdag na say pa ni Heart.

***



NITONG nakaraang linggo ay nagulat ang followers ni Kristoffer Martin nang magpost siya ng larawan na pinakita rito ang isang simpleng civil wedding na presided over ni Mayor Reynaldo L. Catacutan ng Capas, Tarlac.

May larawan din na makikita na tila umiiyak si Kristoffer. Ang naging misis ng young hunk actor ay ang ina ng kanyang anak na ngayon ay 5 years old na, si AC Banzon.

Ika nga, harangan man ng sibat, kung kayo ay walang makakapigil nito.

Kung matataandaan kasi ay naghiwalay noon ang dalawa pagkatapos na ilantad  ni Kristoffer na mayroon na siyang anak courtesy of AC at nalink ang  aktor kay Liezl Lopez, Starstruck alumni batch 1. At nang mag-break ang dalawa ay nagulat na lang ang lahat nang malaman na nakipagbalikan si Kristoffer kay AC.

“27 – with my life and my anchor. It’s been rough but we’re still here. These two have been the strongest people I know. Thank you for your unconditional love. Lord, iba ka kumilos. Salamat, Lord, sa mga pinaintindi mo sakin. ‘Di mo ko iniwan from the start. I will forever trust you, Lord,”  caption ni Kristoffer sa wedding photo nila ng misis na nandun din ang kanilang anak.