Advertisers

Advertisers

Janella mahilig magdadampot ng hayop; Kim nagpaalala sa mga boboto sa eleksyon

0 225

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

SA socmed ay ipinahayag ni Janella Salvador na mahilig  ito sa hayop lalo na sa pusa.

Bumili rin ito ng dalawang ahas na para na rin sa gagawin nitong role sa Valentina.



Pero bago pa man daw ito bumili ng snake ay mahilig na itong magdadampot ng pusa sa kalye.

Ikinuwento pa nito na nakapulot siya ng pusa na pinangalanan niyang Eye Mo dahil bulag ito.

Naawa naman si Janella sa mga pusakal or pusang kalye  at baka nga raw masagasaan at kahit nga mudra nito na si Janine Desiderio ay nagugulat na sa dami ng pusa nila sa bahay at di naman nito naalagaan at sa yaya niya ito pinapaalagaan.

Wala nga raw ginawa si Janella kungdi magdadampot ng pusa sa kalye.

Nung binigyan sila ng aso ay naisip ng mag-ina na baka magrambulan ang mga aso at pusa kaya sa kuwarto nila pinatutulog ang pusa.



Namana raw ni Janella ang hilig sa hayop sa kanyang ina.

May kasabihan nga na kapag mahilig sa hayop ay may mabuting loob nga raw.

***

SA tweet ni Kim Chiu ay inihayag nito na sa darating na halalan ay kailangan pag isipan ang ibobo.

Sa pagsalang nga nila sa Presidential interview ay matapang na dumalo sina VP Leni Robredo, Senator Ping Lacson, Senator Manny Pacquiao, Mayor Isko Moreno at Ka Leody  De Guzman.

Sa pagsalang ng lima ay doon nga raw malalaman ng sambayanan kung sino ang karapat dapat na maging pinuno.

Lahat naman daw ang limang kandidato ay may nilatag na mga plataporma kung sakaling isa sa kanila ay palarin na maging Presidente ng bansa.

Sa pagsalang ng limang Presidential aspirants ay doon daw malalaman kung sino ang may karapatan maupo sa Palasyo ng Malakanyang.

Kaya nakiusap si Kim na suriin at kilatisin mabuti at huwag magkakamali ng iboboto dahil pag nagkamali ay anim na taon daw na pagdurusa ‘yun ng sambayanan.

Kaya Vote Wisely, tsika pa ni Kim sa kanyang socmed.

Well, well, well…’Yun na!