Advertisers

Advertisers

Rufa Mae tinawag na lutang sa komento sa nag-suicide na beauty queen

0 167

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO
HINDI nakaligtas sa pambabatikos sa netizens ang  “Super Booba” na si Rufa Mae Quinto dahil umano sa kanyang insensitive comment sa isang post.Ito ay may kaugnayan sa kanyang  nakawiwindang na komentong “Sana all” tungkol sa isang former Ms. USA na nag-suicide na ikinaloka ng mga nakabasa.
Dahil nga sa kanyang “insensitive” remark eh marami ang nagsasabing “lutang” umano si P-Chi pero ang totoo pala, hindi niya tinapos basahin ang lahat, kaya lumalabas na mema pala siya.

Kahit na humingi pa siya ng paumanhin, lumalabas na lame excuse lamang niya na nagkamali siya.

Pati na rin ang sinseridad niya sa  “pakikidalamhati” sa pamilya ng ill-fated beauty queen ay nakukuwestiyon dahil sa kanyang nakababaliw na Booba reaction.
Kaya sa mga artista, at para na rin sa lahat diyan na ang sakit talaga eh hindi nag-iisip at click kete click agad sa kanilang mga pahayag sa social media, maging leksyon sana ito sa kanilang kataklesahan.



Dapat kasi aware sila sa responsible na paggamit ng social media na “think before you click or comment”.
Gayunpaman, meron namang pumuri sa paging mapagpakumbaba ni Rufa Mae dahil sa pag-amin nito sa kanyang pagkakamali.