Advertisers
Ni BETH GELENA
MAY post si Ruffa Gutierrez patungkol sa rumored boyfriend na si Herbert ‘Bistek’ Bautista.
Ang kanyang pinost ay ang taus pusong pagsuporta.kay Bistek bilang Senador.
Tatakbong senador si Bistek ngayong darating na halalan pagkatapos niyang manibilhan bilang alkalde ng Kyusi ng siyam na taon.
Tinag ni Ruffa ang dating alkalde at meron din siyang nilagay na hashtag #ILY na binigyang kahulugan ng mga netizen.
Naka-highlight sa post ni Ruffa via her Twitter account “HERBERT ‘BISTEK’ BAUTISTA Senador ng Kabataan @Bistek858” #ILY.
Sapantaha ng netizens sinamahan ng former beauty queen ng ‘I Love You’ ang nasabing post.
Trending sa socmed ang ILY ni Ruffa.
Klinaro naman ito ng TV host-aktres.
Ang ibig daw sabihin ng ILY ay “Internet, Livelihood, Youth.”
“ILY stands for Internet, Livelihood and Youth. Smiling face with open mouth I’m supporting @Bistek858‘s candidacy. Love-you gestureThank you for the feature @Politiko_Ph,” ani Ruffa.
***
NAAKSIDENTE ang aktor na si Diether Ocampo.
Bumangga ang kanyang sasakyan sa isang truck sa Makati City.
Sugatan at mga galos ang tinamo ng aktor sa car accident.
Ayon sa balita, ang aksidente ay nangyari sa Osmeña Highway, Brgy. Pio del Pilar, Makati City.
Agad namang isinugod sa isang malapit na hospital si Diet para malapatan agad ng lunas.
Nangyari raw ang aksiente ng mga 12:40 a.m.
Sa hindi malamang kadahilanan ang Ford Explorer ni Diet ang nakabangga sa truck ng basura.
Nakahinto raw ang garbage truck nang mga oras na iyon.
Wala namang naireport na nasaktan sa mga taong nangongolekta ng basura.
Tanging si Diet lang daw ang nagkaroon ng injury.
Ang mga kuhang larawan ni Diet habang siya ay nire-recue ay kumalat na sa Internet.
Marami naman ang nagdarasal sa màagang paggaling ng aktor.
Si Diet ay pansamantalang nahinto sa pag-arte dahil pumasok siya sa Philippine Coast Guard Auxiliary nu’ng 2019.
He works with the PCGA as a lieutenant commander.
Aside from that, he has completed the Seafarer’s Training Program.
Pero bago ang mga yan, nag-aŕal ng pulmonary therapy ang aktor.
Nagbalik showbiz si Diet via teleseryeng Huwag Kang Mangamba.
***
MEGASTAR AT ROBIN NAGFACETIME, FANS KINILIG
KINILIG ang fans nina Sharon Cuneta at Robin sa FaceTime moment ng dalawang celebrity.
Sa Instagram ng Megastar ibinahagi niya ang isang screen grab na magka-FaceTime sila ni Binoe.
Ang sweet lang nilang tingnan lalo na at fresh na fresh ang mukha ng Megastar.
Kaya naman hindi lang fans kundi ang netizens ay sobrang kinilig sa paghaharap ng dalawang personalidad.
Nilagyan ni Megastar ang sceeen grab FaceTime ng caption, saying “Napakasayang gabi sa taping kung may action at nakausap ko ang security blanket ko sa aksyon na eksena over facetime! Thank you my Kambal! Thank you too, @marieltpadilla ! Love you! See you soon Kambal, promise!❤️ @robinhoodpadilla”
Dahil sa kilig moments photo ng dalawang hinahangaang celebrity, may request ang mga tagahanga.
Naalala kasi nila ang mga pelikulang pinagsamahan ng dalawa na tinawag ang kanilang labtim na Shabin.
Mga comments nila, “parang kahapon lang….yung mga bagay na ginugusto natin sa kanya.”
“PAKALMAHIN NIYO AKO PLEASE petition na gumawa ng another movie ulit”
“alam niyo bang kayo ang una kong kinakiligan, grade 6 palang ako that time. grade 9 na ako ngayon DIGNA AND CARDING. ILOVEYOU BOTH” “You’re so fresh naman, chareng nambobola lang ako, penge namang goodnight dyan.”
Nasa Ilocos na muli ang Megastar para ipagpatuloy ang pagti-taping ng FPJ’s Ang Probinsyano.