Advertisers
Advertisers
Advertisers
DIREKTA at walang ligoy na sinabi ng kilalang writer at radio host na si Cristy Fermin na sa mga presidential aspirants na naging panauhin sa “PANATA Sa Bayan, The KBP Presidential Forum” na napanood nu’ng nakaraang Biyernes ng umaga sa Cignal OnePH at sa tatlong daang istasyon ng radyo, telebisyon, You Tube at Facebook, si Sen. Panfilo ‘Ping’ Lacson umano ang pumasa sa panlasa niya ang mga naging kasagutan.
Samantala, si dating Senador Bongbong Marcos lang ang hindi tumanggap sa imbitasyon, ayon sa kampo ng pulitiko ay maaga na nilang sinabi sa mga namamahala sa programa na hindi nito kakayaning dumalo dahil sa nauna nitong kompromiso sa Davao City.
Pero ‘ika nga ni Cristy, sinayang anya nito ang pagkakataon, ibang-iba ang naging atake ng “PANATA…,” du’n nasukat ang talino ng bawat kumakandidatong pangulo.
Apat na panelists, magkakasunod na tinatanong ang isang kandidato lang, hindi ‘yon kakayanin ng kandidatong walang alam at mahinang mag-isip lalo na’t nakakahon lang sa isang minuto at kalahati ang bawat sagot.
Infairness, nakatawid naman daw sina Mayor Isko Moreno, Senador Manny Pacquiao, VP Leni Robredo, Ka Leody de Guzman at Senador Lacson.
Alam nila ang pinasok nilang lungga, pati ang mga isinasaad ng batas, pero sa kanilang mga sagot ay mapipisil agad kung sino sa kanilang lahat ang nakakonek sa taumbayan.
Sabi ng isang kaibigan naming nakatutok din, “Kung thinking Pinoy ka na nagmamalasakit sa bayan mo, kung Pilipino kang nangangarap na mapabuti ang kalagayan ng bansa mo sa susunod na anim na taon, si Senator Ping Lacson ang iboboto mo.”
At totoo raw ‘yon, direktang nasasagot ni Senador Lacson ang kahit anong tanong, hindi siya nagpapaliguy-ligoy, may natitira pa nga siyang ilang segundong nakalaan para sa kanya, pero pakiramdam mo’y busog na busog ka na sa kanyang mga isinasagot.
Sey pa ng host-writer, “marami kaming tanong, tulad din ng ating mga kababayan, na sa isang programa lang ay naitawid ng senador ang mga tugon. Lahat ng aspeto ay sinakop niya—disiplina, korapsiyon, ang pagkalugmok sa utang ng ating bayan, pagbibigay ng trabaho sa mga nawalan—lahat-lahat ay malinaw niyang natugunan.
”Matapang. Malinaw. Madiin. Walang pagpapaikut-ikot. Kung thinking Pinoy ka, paalala ng aming kaibigan, ay alam na natin kung sino ang karapat-dapat maupo sa makapangyarihang silya ng Palasyo.” (BKC)