Advertisers
GAYA nang inaasahan ay hindi si Russell Westbrook ang naging ikatlong bida ng LA Lakers ngayong season.
Kinuha siya nina Rob Pelinka upang maging ka-trio nina LeBron James at Anthony Davis. Pinagpalit sa kanya ang ilang mas batang mga player sa pag-aakalang malaki maaambag niyang magkampeon muli ang purple at gold.
Iniisip din ng mga namamahala sa team ng Hollywood na makakabawas sa load ni LBJ upang mapahaba pa ang career. Oo kahit napakalaki ng suweldo ni Brodie na $44M ay sinege lang at may napulot naman silang supporting cast na kita ay nasa mga minimum lamang.
Kaso hindi ganire ang nangyari. Mabuti na lang at nakasuwerte ang prangkisa ng mga Buss kay Malik Monk.
Kahit minimum lang ang pasahod sa 24 anos na shooter ay lumabas na siya ang kailangan ng koponan para makatuwang nina LeBron at LeBrow at hindi si Russell. Ilang game na mahigit 20 ang naibuslo ni Monk at nagtala pa ng 33 na puntos minsan. Mahusay na sa tres, may penetration move pa. Naging krusyal kanyang presence sa mga W ng tropa ni Coach Frank Vogel.
Eka nga ni Pepeng Kirat ay dapat palit ng buwanang income sina Monk at Westbrook. Kaso siyempre hindi ganoon ang sistema.
O kaya daw magbigay na lang ng porsyento ng pera si Russell kay Malik. Hehehe.
***
May matapang na isang atleta tayo pagdating sa pagpapahayag ng opinyon sa pulitika.
Siya si Bea de Leon ng Choco Mucho Titans. Ang produkto ng Ateneo volleyball program ay nagpopost ng mga maka- Leni meme at video sa kanyang official na FB account. Meron ding anti-Marcos sharing ang dating Finals MVP ng UAAP.
Kailan lang ay nag-viral ang isa tungkol sa opinyo niya hinggil sa isang kandidato na nuno ng sinungaling, tax evader at nameke pa ng educational background.
May K si Bea na batikusin ang dinoktor na tinapos sa Oxford dahil siya mismo ay Dean’s Lister. Kasalukuyan pa nag-aaral ng Masters degree sa Loyola School ang galing Poveda noong high school at St Paul’s sa elementary.
Finalist pa siya ng eskwelahan sa Ambrosio Padilla Athlete of the Year Award. Mga nageexcel ito sa parehong sports at academics.
Dapat pala ay sa La Salle siya nagpapatala kaso wala doon ang kursong gusto at nakumbinse siya ng mga kapwa volleybelle na sina Alyssa Valdes at Denden Lazaro.
Bahagi din ang magaling na middle hitter ng national team. Siya ang tipo nating manlalaro. Matindi na sa napiling laro, may puso at isip pa para sa Pilipinas.