Advertisers

Advertisers

Barbie ‘di mahal ang sarili kaya paulit-ulit na brokenhearted; Nadine nagamot ang anxiety nang matira sa Siargao

0 214

Advertisers

Ni BETH GELENA

AWARE si Nadine Lustre na may depression siya at anxiety.

Pero ang lahat ng iyon ay kanyang pinaglalabanan.



Minabuti niyang magbakasyon sa Siargao Island para sa ikatatahimik ng kanyang isipan at doon ay natagpuan niya na ang isla ay isang paraiso.

From then on, nagpabalik-balik na ang aktres sa virgin island.

Hanggang natagpuan niya sa Siargao ang lalaking muling nagpatibok ng kanyang puso na isang AFAM, si Christophe Bariou, kapalit ni James Reid.

Kaya naman last year, nag-decide si Nadine to spend more time sa Siargao.

Napamahal na sa kanya ang isla kaya bumili na rin siya ng property doon para sa kanyang pamilya.



Niyakap ni Nadine kung ano ang buhay ng isang island girl.

“When I flew to Siargao in July last year, I thought to myself ‘Freedom!’ Thats when I knew that I’m free from whatever thought or baggage that I have been carrying,” alaala niya.

Nang magkaroon ng disaster sa Siargao dahil sa Typhoon Odette, isa si Nadine sa agad kumilos para tulungan ang islang napamahal na sa kanya sa maigsing panahong paninirahan doon.

When it comes to her illness, sambit niya;

“I still have a long way to go for sure…it’s easier for me to understand things. But at the end of the day I am still human. At the moment, when I get overwhelmed with just everything that’s going in my life, I still have those days. When I feel like I’m not 100%, it’s normal.”

***

KINUMPIRMA na ni Barbie Imperial ang breakup nila ng boyfriend na si Diego Loyzaga.

Ayon sa aktres, ang breakup was on good terms.

Bago pa lang magtapos ang 2021 may mga alingasngas nang naglalabasang hiwalay na ang young celebrity couple.

Pero, isa man sa kanila ay walang tumutuga kung totoo ang chismis.

Nitong Friday, sa panayam ni MJ Felipe kay Barbie, pinatotohanan na ng aktres na sila ay hiwalay na ng aktor.

Sa.binigay na mediacon ng ABS-CBN para kay Barbie, sinabi niyang natuto na raw siyang mas mahalin ang sarili kesa sa ibang tao.

“Natutunan ko na baka kaya paulit-ulit nangyayari sakin to kasi hindi ko talaga minamahal ang sarili ko,” sey ni Barbie.

“It’s like all the same stories each boyfriend. So for me parang, what if ibahin ko ngayon? Sarili ko naman ang mahalin ko,” dagdag pa niya.

Matatandaang nagkaroon ng kontrobersiya ang relasyon ng young couple nang pumasok ang pagma-Marites ni Xian Gaza on behalf of Diego with AJ Raval on the side.

Katunayan  pinagtanggol pa ni Barbie ang boyfriend to the point na sinabihan pa niyang ‘kabit’ ang anak ng action actor na si Jeric Ravàl.

***

RICO NAGSALITA KUNG PANO NAG-START ANG RELASYON NILA NI MARIS

FIRST time na nagsalita si Rico Blanco hinggil sa relasyon nila ng young actress-singer na si.Maris Raçal.

Isa sa cast ng movie, The Goodbye Girl ang vocalist singer ng bandang Rivermaya.

Ani Rico, ang pagmamahal niya kay Maris ay, ‘Nakaka-happy eh yung vibe niya.”

Mahigit na raw tàtlong taon magmula nang magcollab silang dalawa ng Abot Langit na nasundan ng Ate Sandali at  Asa Naman.

Si Rico ang music producer ng kanta at sinabi niyang walang romantically involve ang kanilang trabaho to the point na 25 years ang gap ng age nila.

Binulgar ng OPM legend kung pano nagsimula ang relasyon nila ni Maris.

“Hindi naman ako nagtatago ng anything. We were trying to find out, kami ni Maris, sometime ago how did it happen. Parang little by little lang. Definitely not the first time I met her. Definitely not when we were working on the song and recording. I take pride kasi in my professionalism in the studio and no matter if I think the person that I’m working with is attractive or not, or even on the set when I’m doing acting, I take pride in my professionalism. So wala eh. I think it was sometime after we were done working on the song. Sa mga talks namin siguro. Nagkakamustahan kami. DM yata, parang ganun,” pag-alala ni Rico.

Shinare rin ng Rivermaya vocalist kung bakit siya na-fall at na inlove sa young singer.

“Siguro when I mention positive traits of Maris as a girlfriend, this does not mean I’m putting down yung mga exes ko or other girlfriends out there. Hindi naman. Ang bawat tao naman ay may maganda and unique traits and good traits about them. Ang gusto ko kay Maris is she doesn’t even realize it but nakaka-happy eh yung vibe niya. It’s something that I think is normal to them magkakapatid. Because I hung out with the sisters also and the family and even with Maris’s mom and that’s the vibe, parang barkada. It’s the same vibe when you’re hanging out with your friends. So parang ganun. It’s really like that kahit kaming dalawa lang.”