Advertisers

Advertisers

Bianca pwede na mag-asawa sa sarap magluto

0 438

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

IPINAMALAS ni Bianca Umali sa programang “Mars Pa More” ang pagluto niya ng special sinigang recipe na ginamitan ng pinya. Pumasa kaya ito sa panlasa ng mga host na sina Camille Prats at Iya Villania?

Ayon kay Bianca, malapit sa puso niya ang naturang recipe na natutunan daw niya sa kanyang lola.



Matapos ipakita ng aktres kung paano ang pagluto ng kanyang sinigang na baboy with pinya, ipinatikim niya ito kina Camille, Iya, at guest na si Gabrielle Hahn.

“Bianca, sobrang sarap,” sabi ni Gabrielle nang matikman ang sinigang.

“Para kang lola mo,” sambit naman ni Iya.

Sabi naman ni Camille, “I would like to say na puwede ka nang mag-asawa pero wag muna.”

“Kami muna mag-e-enjoy ng mga luto mo kaya weekly bumalik ka rito ipagluto mo kami ni Iya,” dagdag pa ni Camille.



Dugtong ni Iya, “O kaya padalhan mo kami ng pagkain, happy na kami dyan.”

Sabi naman ni Bianca, “Actually, Ok akong maging part ng Mars… ako na lang tagaluto niyo rito.”

Panoorin kung papaano lutuin ang katakam-takam na special sinigang recipe ni Bianca.

Malapit nang mapanood ang Halfworlds na pagbibidahan ni Bianca sa HBO Asia.

***

SINABI ni Heart Evangelista na kinailangan niyang ayusan at asikasuhin ang sarili sa nagdaang Paris Fashion Week dahil hindi niya kasama sa biyahe ang kanyang glam team.

Sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa GMA News “24 Oras” nitong Biyernes, sinabing pinatunayan ni Heart na kayang makipagsabayan ng mga Pinay sa Haute Couture world matapos rumampa sa naturang event.

Inabangan at pinusuan ng libo-libong netizens ang bawat palit ng damit ni Heart.

Gayunman, inilahad ni Heart na kakaibang level ng stress ang kanyang pinagdaanan para maging fashionable at glamorous.

“I didn’t have my glam team with me, I was handling my schedule. So bawat palit ko roon ako lang ang gumagawa ng buhok ko, ako nag-style ng damit ko. So medyo stressful siya, but it proved to be that if you really work hard on something and you really want it, you can do it,” sabi ni Heart.

Rewarding naman para kay Heart ang ibinuhos niyang effort.

Bukod dito, nakuha ni Heart ang mga ipinahiram sa kanyang damit at accessories ng mga high-fashion brands.

“I got to keep all of the clothes, and I was very happy, nagulat ako because for example there are some clothes na I wasn’t supposed to keep. Tapos because it got a lot of likes they would end up giving it to me kasi natuwa sila. So I wouldn’t be able to do that without the people supporting me on Instagram,” anang Kapuso Queen of Creative Collaborations.

Nakauwi na si Heart sa bansa para sa kanyang kaarawan sa Pebrero 14, Araw ng mga Puso.

Nalalapit na rin ang finale ng kanyang series na “I Left My Heart in Sorsogon.”