Advertisers

Advertisers

Bilyun-bilyong pera na ang ginagastos ng mga kandidato

0 301

Advertisers

NABUNYAG sa midya na bilyun-bilyon na nailalabas na pera ng mga kandidato sa pagkapangulo ng bansa.

Nangunguna paggastos sa mga kandidato sa pagkapangulo ay sina Senador Panfilo “Ping” Lacson, dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Bise – Presidente Maria Leonor “Leni” Robredo dahil pare-pareho silang ilang milyon na lang ang kulang para isng bilyon ang inilabas na pera mula Enero 2021 hanggang Disyembre 2021.

Hindi nagsimula ang “opisyal” na petsa ng kampanya na itinakda ng Commission on Elections (Comelec).



Pebrero 8, 2022 ang simula ng kampanya ng mga tumatakbo sa pambansang halalan, samantalang Marso 29,2022 naman nakatakdang umpisahan ang kampanya ng mg tumtakbo sa mga posisyon sa lokalidad, kabilang na sa pagiging kinatawan sa Kamara de Representantes.

Dahil wala pang kampanya, ilang ulit sinabi ng tagapagsalita ng Comelec na si James Jimenez, walang batas na nilalabag ang mga kandidato.

Pokaragat na ‘yan!

Tinawag ni Jimenez ang nasabing panahon bilang “pre-campaign period”.

Kaya, ibig sabihinkahit naglalatag na sa publiko ng kanilang mga gagawin kapag nanalo sila sa eleksyon, hindi pa rin sila nangangampanya.



Kahit ibinibida ang kanilang mga nagawa sa nakaraan ay hindi kinukumbinsi ng mga kandidato na ihalal sila sa halalang darating.

Ang ibang kandidato ay labis-labis ang ‘pagpapabango’ sa kanilang sarili – kulang na lang idiin sa publiko na wala silang kasong katiwalian, korapsyon at pandarambong na kinakaharap sa Office of the Ombudsman at Sandiganbayan.

Pokaragat na ‘yan!

Hindi pa kumleto ang inilabas sa midya ng Nielsen at Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) na paggasta ng mga kandidato sa pagkapresidente dahil hindi pa kasama ang ginastos ng mga kandidato sa mga posisyon sa lokal na halalan.

Kuwentahin ninyo ang gastos nila sa mga inilabas na tarpaulin, poster at iba pang materyal sa kampanya.

Pihadong mapapagod ka dahil mula Luzon hanggang Mindanao ang mga tumatakbong pulitiko.

Kaya, bilyun-bilyon talaga ang lumabas na pera mula sa mga pulitiko nitong 2021.

Hindi bago ang usaping ito sa kasaysayan ng eleksyon sa Pilipinas.

Noon pa man ay naglalabas na napakaraming kuwarta ang mga kandidato.

Ang iba nga ay gumagastos na malayo pa man ang halalan dahil kailangan nilang ‘magpakilala’ sa mga botante.

Ang dapat ilabas sa midya para sa halalang 2022 ay kung sinu-sino ang mga nagpopondo sa mga kandidato.

At magkano ang ibinigay nila sa mga kandidato.

Posibleng isa sa mga nagbibigay ng pera sa mga kandidato ay druglord o kaya gambling lord, lalo na sa lokal na halalan.

Pokaragat na ‘yan.

May nabalitaan ako na isa sa mga kandidato sa pagkapangulo ay napatikas na gambling lord.

Isa sa nga negosyo niya na kumikita nang husto ay “online sabong”.