Advertisers

Advertisers

Court hearing ngayon petisyon vs. TRO kids vax

0 1,323

Advertisers

MAMAYANG hapon ganap na alas-2 isasagawa ang VIDEO CONFERENCE HEARING hinggil sa inihaing petisyon ng 2 magulang sa korte para pigilin muna o maglabas ng TEMPORARY RESTRAINING ORDER (TRO) sa isinasagawang pagbabakuna sa mga batang edad 5 hanggang 11.

Ang mga pinadadalo ni QUEZON CITY REGIONAL TRIAL COURT BRANCH 96 JUDGE PRIMO SIO para sa pagdinig ngayong hapon ay sina DEPARTMENT OF HEALTH (DOH) SECRETARY FRANCISCO DUQUE III at SPOKESMAN UNDERSECRETARY MA. ROSARIO VERGEIRE; PUBLIC ATTORNEYS OFFICE (PAO) LAWYERS DIANA GRACE MARIANO at KRISTIAN RYAN PELAYO; ang mga nagpetisyong magulang na sina dating BROADCAST JOURNALIST DOMINIC ALMELOR at GIRLIE SAMONTE.

Gayunman, ang nakatakdang pagdinig ay mismong si PAO CHIEF ATTY. PERSIDA RUEDA-ACOSTA ang mangunguna sa pagrepresenta hinggil sa petisyon ng 2 magulang para sa pagpapaitigil muna ng direktibang pinaiimplementa ni SEC. DUQUE.



Ang 2 magulang ay naghain kamakailan ng EXTREMELY URGENT PETITION FOR CERTIORARI, PROHIBITION, DECLARATORY RELIEF, AND INJUNCTION WITH APPLICATION FOR THE ISSUANCE OF TRO AND WRIT OF A PERMANENT INJUNCTION.

Kontra sina ALMEROL at SAMONTE sa inilabas ni DUQUE na DEPARTMENT MEMORANDUM No. 2022-0041 nitong January 24 na isinasaad, ang estado o ang DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT (DSWD) o ang mga LOCAL GOVERNMENT UNIT (LGU)ang aakto bilang magulang at lalagda sa consent sa mga batang nagnanais magpabakuna na ayaw namang payagan ng kanilang mga magulang.

“It was issued in grave abuse of discretion, encroaching upon the power of the legislature to enact laws reflecting policies of the government, such as mandatory vaccination, and the power of the courts to suspend or deprive parents/guardians of parental authority over their children,” pagpupunto ni CHIEF ATTY. ACOSTA na aniya ay UNCONSTITUTIONAL at CONTRARY TO LAW ang DM No. 2022-0041.

Inihayag pa ni Acosta na ang REPUBLIC ACT No. 11525 o ang COVID-19 VACCINATION PROGRAM ACT OF 2021 ay nagsasaad na ang mga bakuna ay EXPERIMENTAL IN NATURE at maaaring magresulta ng SERIOUS ADVERSE EFFECT.., at ang mga vaccine manufacturer gayundin ng mga naglunsad ng MASS VACCINATION PROGRAM ay walang magiging pananagutan o hindi maaaring makasuhan o mademanda.

Ang naturang RA No. 11525 ang pananggalang ng mga COVID-19 VAX IMPLEMENTOR.., na ginawang EXPERIMENTAL OBJECT ang mga tao ay walang magiging responsibilidad kapag may mga namatay o naparalisa dahil sa itinurok na bakuna.., kumbaga inihalintulad na sa mga hayop ang mga taong nagpartisipa sa EXPERIMENTATION VACCINES.., mamatay man o maparalisa ang mga nabakunahan ay mistulang COLLATERAL DAMAGE na lamang ang turing sa mga maaapektuhan.



Ang gayong resulta ang labis na pinangangambahan na dinanas noong ilunsad ang DENGVAXIA VACCINATION taong 2016 na libong mga bata ang dumanas ng mala-tortyur na paghihirap bago tuluyang nangamatay.., na si SAMONTE ay isa sa mahigit 100 magulang na inaasistehan ng PAO sa pagdemanda ng DENGVAXIA IMPLEMENTORS dahil sa sinapit ng kanilang mga anak. Sa demandahang ito ang nag-udyok upang ang mga COVID VACCINE MANUFACTURER ay nakipag-negosasyon sa gobyerno na isasagawa lamang ang bakunahan kung magkakaroon sila ng IMMUNITY o hindi sila maaaring mademanda anuman ang kasapitan ng mga mababakunahan.

Tulad na lamang ng isang 24- anyos na empleyadang sinertipikahan ng doktor na maaari itong magpabakuna sa kabila ng pagda-dialysis nito.., kaya nitong February 2, 2022 ay nagpabakuna ng J&J, kinabukasan nag-collapse at isinugod sa TAYTAY DOCTORS HOSPITAL pero hindi na ito naisalba pa.

Malas…, tanging pagngingitngit na lamang ang magagawa ng pamilya dahil kahit magdemanda ang mga ito ay walang silbi dahil sa itinatakda ng RA No. 11525.., masuwerte ang mga nabakunahan dahil umangkop ang bakunang naiturok sa kanila at malas na lamang ang dumanas ng masamang epekto.., tulad sa sinapit ng isang dating BROADSHEET EDITOR na ngayon ay mistulang nakabilanggo sa wheelchair dahil sa epekto ng covid vax.

Ang hirit sa hukuman nina ALMEROL at SAMONTE sa pangunguna ng PAO ay itigil muna ang bakunahan sa mga bata. , ika nga, huwag gamitin ang mga bata bilang bahagi ng EXPERIMENT. , dahil CLINICAL TRIALS pa lamang ngayon ang lahat ng COVID-19 VACCINES!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.