Advertisers

Advertisers

Darren inintriga sa threesome foto kasama sina Andrea at Kyle

0 400

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

SA vlog ni Bernadette Sembrano, naging panauhin ang dating The Voice Kids finalist at total performer na si Darren Espanto.

Bida ni Darren, mapalad daw siya dahil kahit may pandemya ay tuloy ang kanyang mga trabaho.



Katunayan, noong nagkaroon daw ng lockdown sa Pinas, nakalipad na raw siya noon pabalik ng  Canada, sa kanyang hometown sa Calgary.

Kahit daw may pandemic, hindi raw naman siya nawalan ng raket dahil nakapag-show siya sa nasabing bansa.

Dagdag pa nito, sa pamamagitan ng teknolohiya, nakakapagtrabaho pa rin daw naman siya tulad ng pagmo-moderate ng Kapamilya shows like ASAP at It’s Showtime sa online editions ng mga ito.

Natanong din ni Bernadette kung na-in love na raw ba ang biriterong singer.

Hindi naman ikinaila ni Darren na nakaranas na rin siyang umibig at masawi nang hindi lang isang beses, bagama’t hindi niya sinabi kung kanino at sino.



Pero sa ngayon daw ay single siya at nananatiling prayoridad ang kanyang karera.

Sa kanilang tsikahan, sinabi niyang lima ang close friends niya sa showbiz, sina Cassy at Mavy Legaspi, AC Bonifacio, Kyle Echarri at Ken San Jose na puwede siyang mag-confide ng kanyang mga sikreto.

Tungkol naman sa pag-arte, gusto raw niyang ipagpatuloy ito lalo pa’t na-enjoy naman niya  ang debut appearance niya sa Kathniel movie na “The Hows of Us.”

Katunayan, may upcoming musical series daw siya na “Lyric and Beat” kasama ang tambalang Seth Fedelin at Andrea Brillantes, AC Bonifacio, Jeremy Glinoga, Nyoy Volante, Joanna Ampil, Agot Isidro at Sheena Belarmino.

Ang naturang series daw ay tribute sa 20 years of music ng popular songwriter na si Jonathan Manalo.

Lately, nadawit naman sa kontrobersya si Darren .

Ito ay pagkatapos na mag-viral ang ipinost ng topless na si Kyle Echarri  ang photo niya katabi sina Andrea at Darren sa isang kama.

May mga marites na nagbigay ng malisya sa “threesome photo” ng tatlo na nilinaw naman ng kampo ni Andrea na iyon ay kuha sa vlog shoot na kasama rin mismo sina AC at Xyriel Manabat.

Umalma naman ang tita ni AC na huwag daw idamay ang kanyang pamangkin sa nasabing paglilinaw.

Pumiyok din ang tiyahin ni Darren sa umanoý pandadawit sa kanyang nephew sa nabanggit na usapin.