Advertisers

Advertisers

Jessy at Luis bawal ang cp ‘pag kumakain sa mesa; Willie ‘di na ni-renew ng Siyete, lilipat na sa channel ng mga Villar

0 360

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

NAPAGKASUNDUAN ng celebrity couple na sina Jessy Mendiola at Luis Manzano na huwag gagawin ang isang bagay.

Aprub naman sa bawa’t isa ang napagkaisahan nilang  huwag gawin ito.



Isa nga sa ayaw nila ay ‘pag may cellphone kapag kumakain sila, mapa-breakfast, lunch or dinner.

Ayaw ng dalawa na may nakapatong na cellphone sa hapag kainan habang sila ay kumakain.

Unless nga raw na may importanteng tawag na hinihintay.

Itinuring ng mag-asawa na big blessing kung may work silang gagawin.

Ang iba nga raw ay talagang nagpre-pray pa na magkaraket.



Kaya suwerte na nga raw sila na sa kabila ng pandemya ay nagagawa pa rin nilang gumawa ng ibang outlet dahil parehong vlogger ang mag-asawa.

Wala pa naman daw lumalabag sa kanilang kagustuhan  na huwag maglagay ng cellphone sa mesa habang kumakain.

***

MATUNOG ang ugong-ugong na haggang isang linggo na lang ang programa ni Willie Revillame na Wowowin sa GMA-7.

February 11 ay last airing ng kanyang game show sa GMA.

Kilala namang malapit si Willie sa mga Villar lalo na’t napabalita na nakakuha ng frequency channel sa ABS-CBN ang bilyonaryong si Manny Villar.

Natunugan naman ng netizens na dito lilipat si Willie at ang kanyang programa.

Marami naman ang nagulat sa balitang paglipat ni Willie ng channel.

May mga kuda na di aalis si Willie sa bakuran ng Kapuso.

Mat sitsit din na ‘di na nag-renew si Willie at may isang version na ‘di na siya pinapirma muli ng kontrata sa GMA.

Siya ba ang may ayaw na mag-renew or GMA -7  na ang may ayaw sa kanyang renewal?

Hmmmp!? Well, well, well…’Yun  na!