Advertisers

Advertisers

Kampanyahan na!

0 448

Advertisers

SIMULA na ngayon ng kampanya ng mga kandidato sa nasyunal para sa May 9 election.

Ito’y ang mga kandidato sa pagka-presidente, bise at senador.

Sa Marso 25 naman ang simula ng kampanya sa lokal, mula sa kongresista, gobernador, sangguniang panlalawigan, mayor at mga konsehal. Ang termino ng mananalo ay 3 taon.



Sampu ang maglalaban sa pagka-presidente, 9 sa bise, at 97 senador para sa 12 bakante sa senado. Ang mga mananalo ay manunungkulan ng 6 taon.

Sa presidentiables, ang nangunguna sa ngayon sa mga survey ay sina Leni Robredo, Bongbong Marcos Jr., Isko Moreno, Ping Lacson at Manny Pacquiao.

Sa pagsimula ng kampanya ngayon, inaasahang magiging maigting ang balitaktakan, batuhan ng putik ng bawat kandidato, na ayon sa Comelec ay legal at tama lang na malaman ng publiko ang pagkatao ng bawat kandidato para sa pagpili ng iboboto. Mismo!

So, repapips, pakinggan ninyo ang bawat sasabihin ng mga kadidato. Himaying mabuti ang kanilang promises at baka mabudol na naman kayo tulad ng nangyari noong 2016. Alam nyo na ang ibig kong sabihin. Hehehe…

***



Mga bawal dikitan ng campaign posters

Naglabas ng guidelines ang Comelec para sa pagkabit ng campaign posters, kung saan puede at bawal.

Bawal magkabit sa: mga puno, poste ng ilaw, kawad ng kuryente, eskwelahan, waiting shed, sidewalk, traffic signs, tulay, barangay hall, health centers, iba pang public building, publis shrines, terminals, airports, seaports, public utility vehicle, patrol cars, LRT/MRT/PNR, train stations, overpass at underpass, center islands.

Ang lalabag sa guidelines na ito ay pagmumultahin o maaring ma-disqualify.

Kaya mga kandidato, sa mga bahay ng supporters nyo nalang kayo maglagay ng tarps nyo para safe. Okey?

***

Mukhang si Atty. Alex Lopez, anak ni yumayong dating Mayor Mel Lopez ng Tondo, na nga ang sunod na alkalde ng Maynila.

Bakit ko nasabi ito? Aba’y sa pag-iikot ni Lopez sa bawat distrito ay mainit siyang tinatanggap ng mga tao, nagsisigaw nang “Lopez! Lopez! Lopez”.

Ibang klase kasi ang abogadong ekonomista na ito, napaka-humble. Masang-masa ang dating! Ang sipag pang mag-house to house kahit sa mga looban, hindi ka mahihiyang kamayan at mag-selfie sa kanya. Mismo!

Sabi ni Lopez, kapag nahalal siya. Lalo pa niyang pagagandahin at pauunlarin ang Maynila. Ilalagay niya sa maayos na puwesto ang mga vendor at maayos na parking area ang mga TODA. Yung mga casual sa City hall na matagal nang pinagpasa-pasahan ay kanya raw ire-regular tulad ng ginawa ni Mayor Vico Sotto ng Pasig City. Ayos!

Malakas ang kutob kong si Lopez ang pipiliin ng Manilenyo kapalit ni Isko na kandidato naman sa pagka-pangulo. Bakit? Kasi nasa kanya nang lahat ang supporters nina dating Mayor Lito Atienza, dating Mayor Erap Estrada at yumaong dating Mayor Alfredo Lim.

Ang isa sa mahigpit na makakalaban rito ni Lopez ay si Honey Lacuna-Pangan, anak ni dating Vice Mayor Danny Lacuna.

Sa mga survey, sina Lopez at Lacuna ang pinagpipilian ng Manilenyo. Malayo ang iba pang mayoralty cadidates na sina Amado Bagatsing, Elmer Jamias at Cristy Lim.

Ako man, bet ko si Atty. Alex Lopez for Manila Mayor!