Advertisers
Patay ang lalaking pumatay sa kanyang live-in partner at anak nang manlaban sa ginawang operasyon sa Cebu, nitong Linggo.
Kinilala ang napatay na si Janjan alyas Moko Dejan, at residente sa Bgy. Sta. Cruz, Cebu City.
Sa report ng Abellana Police Station, 7:45 ng umaga ng makaengkwentro si Dejan sa nasabing lugar.
Ayon sa pulisya, nakatanggap sila ng report mula sa mga residente na namataan si Dejan sa nasabing lugar na pagala-gala at armado ng baril at patalim.
Agad naman rumesponde ng mga pulis sa lugar subali’t mabilis na tumakbo si Dejan patungo sa Bgy. Pasil.
Sinilip ng mga awtoridad ng CCTV sa barangay at nakita ang direksyon si Dejan sa may F. Rallos St. at Caban St., Barangay Pasil at sinundan ng mga otoridad.
Naabutan nila si Dejan na naglalakad subali’t ng makita sila nito, mabilis na kumaripas ng takbo at nagpaputok ng baril.
Gumanti naman ng putok ang mga pulis at tinamaan si Dejan sa katawan na nagresulta ng agaran nitong kamatayan.
Nakuha mula kay Dejan ang 9mm caliber na baril.
Matatandaan na pinatay ni Dejan kamakailan ang kanyang live-in partner na si Jennelyn Bontilao, 31, promodiser; at Hannah Ouano, 15 dahil sa selos.
Habang patuloy naman nasa maselang kondisyon sa ospital ang isa pa nitong anak na si Joanna Ouano, 11.
Nahaharap ngayon sa 2 kasong pagpatay at frustrated murder si Dejan.