Advertisers

Advertisers

MGA DATING REBELDE KINUMPIRMANG KASAPI NG CPP-NPA-NDF ANG MAKABAYAN BLOC

0 224

Advertisers

APAT na mga dating matataas na opisyal ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army – National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) ang nagkumpirma nitong Lunes na ang mga mamababatas ng Makabayan Bloc o “KABAG” (Kabataan, Anakbayan, Bayan Muna, ACT, Gabriela) ay mga opisyal din ng CPP-NPA-NDF.

Sa lingguhang ‘virtual’ nabalitaan ng National Task Force to End Local Communists Armed Conflict (NTF-ELCAC), sinabi ni dating CPP official Jeffrey Celis alias “Ka Eric” na sina Neri Colmenares, Satur Ocampo, Liza Masa at Teddy Casiño ng Makabayan Bloc ay mga totoo ring operatiba ng CPP-NPA-NDF, at ito raw ay kaya niyang patunayan dahil lagi silang nagkikita ng mga KABAG na mambabatas sa mga Regional Committee meeting ng CPP-NPA-NDF.

“We can look them directly to their eyes,” ang sabi ni Celiz na ang tinutukoy ay mga miyembro ng KABAG na siya ring mga opisyal CPP-NPA-NDF.



“Kapag may mga kampanya na (national elections), hindi po totoo na ang mga nag-uusap diyan ay mga simpleng members ng mga partylist na ito. Ang mga nakikipag-usap sa kanila ay may basbas ng Regional Party Committee ng CPP,” paliwanag pa ni Celiz na dati ring miyembro ng Kabataan Makabayan.

Mayroon daw tatlong klase ng meeting ang CPP-NPA-NDF. “Kapag nagmeeting na may tinatawag kaming L1, L2 at L3 meetings. Kapag L1, Level 1… open meeting iyon, may mga masa. Kapag L2 o Level 2, underground meeting iyon. Kapag Level 3, (CPP) party meeting iyon,” ang sabi ni Celiz, at kinumpirma pa nito na sa mga meeting na yun nakikita niya ang mga miyembro ng Makabayan Bloc.

Dagdag pa ni Celiz, mahalaga para sa komunistang-teroristang samahan ang Partylist representations dahil kakuntsaba ang mga ito sa armadong pakikipaglaban. Ang tawag nga raw sa i-style na ito ay Urban Operations and Bureaucratic Infiltration.

Si Alma Gabin, naman na dating Education Deputy Secretary ng Eastern Visayas Regional Party Committee at founding member pa ng Kabataan Partylist, ay nagsabi na sa kanyang pamamalagi sa CPP-NPA-NDF naging nominee pa nga siya nito noong 2010, at nakakadaupang palad ang mga gaya nila trade union leader Dennis Velasco at Kabataan Partylist Rep. Sarah Elago.

Binahagi pa ni Gabin na ang mismong nagrecruit sa kanya ay siya ring nagpasumpa sa kanya hindi bilang kasapi ng Kabataan Party kung di ay bilang CPP-NPA-NDF member na.



“This is not red-tagging”, ang sabi ni Gabin, “KABAG is directed to the mission of the CPP-NPA-NDF” ang pataubin ang pamahalaan.

Si Ariane Jane Ramos, naman na bagong suko lamang bilang Secretary ng Guerilla Front 55, Sub-Regional Committee 5, Southern Mindanao Regional Committee (SMRC), at dating Chairperson ng Gabriela Youth, ng University of the Philippines sa Mindanao, ay nagsiwalat na maikling panahon lang ang ginugol niya sa ‘urban operations’ dahil namundok na agad sila bilang NPA fighter.

Pinangalan ni Ramos na nakasama niya sila Rendell Ryan Edpan Cagula at Eric Jun Casilao, ngayon ay secretary na ng SMRC at kapatid ni Anakpawis Rep. Ariel Baring Casilao. Sabi pa ni Ramos ang urban operations ang kanilang paraan para magpakalat ng propaganda, makapagbuo ng Partylist at maka-recruit pa ng mga kabataan.

Sa parehong paraan aniya, na urban at armed struggles, nasusunod ang interes ng CPP-NPA-NDF na pataubin ang gobyerno at mapasailalin ito sa komunismo.

“May representation (ang Partylist) sa loob (CPP). Malaki ang sakripisyo namin kung paano sila gumalaw sa CPP-NPA-NDF, legal fronts, armed struggle,” ang sabi ni Ramos.

Sa parte naman ni Joy Saguino aka Ka Amihan, dating Secretary ng Guerilla Front 20, Sub-Regional Committee 1, SMR at dating youth at student organizer ng Anakbayan at Kabataan Partylists, ang Makabayan Bloc raw ang nagkukubli ng mga urban at rural operations ng CPP-NPA-NDF gaya ng mga ginawa ng Salugpungan, Mindanao Interfaith Services Foundation Inc. (MISFI) at mga Lumad schools.

Ang mga mambabatas daw ng KABAG ang siya rin pinanggagalingan ng pondo at nakapanghihingi pa sa abroad.

Rappler, Vera Files binira sa makapiling fact-checking

Samantala, tinuligsa naman ni Undersecretary Lorraine Marie Badoy, taga-pagsalita ng NTF-ELCAC sa larangan ng New Media at Sectoral Concerns ang mga pahayag ng Rappler at Vera Files na maaaring gamitin ng task force sa paghahain ng mga kaso laban sa dalawang news outfit na nagpapakalat daw ng mga maling balita.

“We will also take legal action against Facebook and hold them accountable for allowing their fact-checkers, Rappler and Vera Files, to use the immense powers of this designation to operate with shameless impunity the spread of false information that is inimical to national security and to use their platform to harm the sovereignty of our nation, malign the government of the Republic of the Philippines and shake to its very core, the foundations of our Constitution,” ang pahayag ni Badoy na kumakatawan sa NTF-ELCAC.