Advertisers

Advertisers

P2M shabu kumpiskado sa Pampanga

0 442

Advertisers

Tinatayang aabot sa higit P2 milyong pisong halaga ng shabu ang nakumpiska sa ikinasang buy bust operation sa Brgy. Lagundi sa bayan ng Mexico sa Pampanga.

Sa report na tinanggap ni PNP Regional Director PBGen. Matthew Baccay, kinilala ang nadakip na suspek na si Nabil Macadatar Y Ampawa, alyas Ivan, 26, ng Langkaan Dasmariñas Cavite.

Dinakip ang suspek ng pinagsanib na puwersa ng RPDEU-3, SCU3-RID at ng Mexico Municipal Police Station.



Nakumpiska sa drug-pusher ang isang Samsung Cellphone, one 1 weighing scale, isang body bag na naglalaman ng 305 na gramo ng droga, na may street value na P2,074.000.00,1unit silver Mitsubishi Montero Sport with conduction sticker B5A927.

Samantala, paglabag sa sec, Sec. 5 and 11, Art II of RA 9165 ang isasampang kaso laban sa suspek.(Thony D. Arcenal)