Advertisers

Advertisers

Pangangampanya sa Maynila, welcome at permit less

0 221

Advertisers

Welcome ang lahat ng pulitiko lalo na ang mga katunggali ni Aksyon Demokratiko standard bearer at Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na magsagawa ng caravan o mangampanya sa Maynila ng walang permit o permit less.

‘Punta po kayo rito puwede po kayo mangampanya rito, eto na po ang otoridad..sakin niyo na po marinig.. welcome po kayo sa Maynila,pangampanya kayo ..umikot kayo starting tomorrow’ , pahayag pa ni Moreno sa ginawang unagurasyon at turn over ceremony ng mga units sa Tondominium 1 Tondominium 2 ngayong umaga sa mga benispisyaryong taga Maynila.

Ayon kay Moreno, may libre nang permit ang mga kandidato para sa May 9 national election dahil sa kanya na mismo nanggaling ang pahintulot na sila ay maaring pumasok para makapangampanya sa Maynila.



Aniya hindi na kailangan pang mag-applay ng motorcade permit at puwede rin aniyang maglagay ng entablado

Nanawagan din si Moreno sa kanyang mga pulitical leaders at supporters na ibaba na ang malalaking billboard sa highway dahil Ito aniya ay bawal sa size na hindi pinahihintulotan ng Commission on Election at labag ito sa alituntunin ng komisyon.

Pakiusap ng presidential aspirant Kung maari ay sumunod sa mga alituntunin ng Comelec guidelines o omnibus election code ngayong election period.

Paalala pa ni Moreno sa kanyang mga supporters, maging magalang sa kapwa bat huwag lumabag sa mga billboard.

Samantala, naniniwala naman si Moreno na bagamat higante ang kanyang mga kalaban pero tulad aniya halimbawa sa kasabihan sa Bibliya na si Golliat ay tinalo ni David na ibig sabihin aniya sa Diyos ay walang imposible.(Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">