Advertisers
Ni GERRY OCAMPO
PINANINDIGAN ni Robin Padilla ang kanyang sinabi noon na naiintindihan niya ang pambababae ng ex-son-in-law na si Aljur Abrenica.
Sa naging panayam sa kanya ni Karen Davila sa Headstart ay nilinaw ni Robin na wala siyang sinabi kay Aljur na gawin ang panloloko.
“Yung gumagawa ng isyu na `yan ay hindi niya napanood ang buong interview. Kasi kung napanood niya ang buong interview, ang sinasabi kong una, yung cheating na `yan ay hindi pagnanakaw `yan,” simula ni Robin.
“Ang cheating, tumingin ka lang sa isang babae, sa Islam kasi, cheating na `yun kahit wala kang ginawa, basta nag-isip ka, cheating na `yun,”aniya.
Sabi pa ni Binoe, imposible naman daw kasi na hindi pumapasok sa isip ng isang lalaki na mag-cheat.
“Imposibleng hindi maglaro `yan sa isip ng isang lalaki. Magdududa ako rito sa aking son-in-law kung hindi kailanman pumasok sa isip niya na..come on, di ba? Wow! Eh, may problema ka kung hindi `yan pumapasok sa isip mo. Hindi ko naman sinasabi na gawin mo, eh. Hindi ko sinabing, ‘Sige, gawin mo, ako`ng bahala sa`yo,’” say pa ni Binoe.
Paglilinaw pa ni Robin nang sabihin niyang mag-Muslim na lang si Aljur.
“At yung sinabi ko pa na, ‘Mag- Muslim ka, kasi po ako, ine-example ko ang sarili ko. Noong mag-Muslim ako. Nabago ko yung sarili ko. Wala po akong sinabi diyan na polygamy.’
“Ang sinabi ko lang noon na kung ako sa kanya ‘Mag-muslim ka kasi magbabago ang iyong mentality. Kasi sa Islam, kailangan mong pakasalan, di ba?’”
Sa ngayon ay pinasok na rin ni Robin ang politics na kung saan tumatakbo siyang senador sa May 9, 2022 election. Pero sinabi niya na hindi siya umaasang mananalo dahil wala raw siyang pera. Paglilinaw din niya na hindi siya naghihirap kaya siya tumakbo.
***
Heart gustong sundan ang yapak ng anak ni Chiz
Dumating na si Heart Evangelista galing ng Paris. Sa pagdating ay hinikayat niya ang mga followers at supporters na subaybayan ang pagtatapos ng kanyang serye sa GMA 7, ang “I Left My Heart in Sorsogon” na partners niya sina Paolo Contis at Richard Yap.
Binulgar niya hindi nagpatalo sa isa`t isa pagdating sa acting sina Richard at Paolo. At siyempre hindi rin raw siya nagpahuli sa dalawang actor. Sigurado raw kikiligin ang viewers sa ending ng serye.
Sa pagtatapos ng kanyang serye ay magiging busy pa rin siya sa mga fashion commitment sa ibang bansa.
Alam naman ng sambayanan na tumatakbong Senador muli ang kanyang husband na si Sorsogon Gov. Chiz Escudero sa darating na election.
Sa ayaw at gusto nii Heart ay kailangan niyang samahan ang husband sa pangangampanya. At malamang din daw ay samahan sila ng kambal ni Chiz na sina Quino at Chesi.
Wish daw pala ni Chesi ay maging katulad ni Heart na isang successful model at endorser.
Kapag nagkataon ay hindi na lang si Heart ang madalas na makikitang rumarampa sa ibang bansa. Dahil makakasama na niya ang kanyang daughter- in- law na huwag isnabin dahil artistahin din si Chesi.
***
Movie nina Alden at Bea isasabay sa opening ng klase
Maraming naaliw sa mga comment sa Instagram post ni Alden Richards na topless siya kaya lumantad sa larawan ang four-pack abs ng actor.
Kuha yun ng sikat na photographer na si Marc Nicdao para sa isang endorsement ni Alden. Dahil first time nakahubad ang actor kaya sinugod ng mga supporters at maging mga kaibigan ni Alden na sumali na rin sa katuwaan sa kanyang IG.
Sigurado na kapag lumabas na ang photo shoot ni Alden ay dadagsain ito ng likes at magko-comment. Kabilang sa nag-like sa post ni Alden ay si Andrea Brillante na inaming fan siya ng actor at gusto niyang makasama ito sa pelikula.
Nagbunga ang tuluy-tuloy na pagwo-work out ni Alden kahit nagbabakasyon siya sa America last December.
Samantala, tuloy na ang movie na pagsasamahan nina Alden at Bea Alonzo.
Kapag walang naging aberya ay maipalalabas ang movie nila sa mga sinehan sa opening ng klase this year.