Advertisers
Ni WALLY PERALTA
MALAKI-laki na rin ang unica hija ng mag-asawang Vic Sotto at Pauleen Luna-Sotto, si Tali. Naging isang ina ng tahanan si Pauleen nang isilang niya si Tali at naglielow sa showbiz, maliban na lang sa pagiging isa sa host ng “Eat Bulaga” na mas madalas ay nasa virtual lagi ang kanyang appearances sa naturang noontime show.
Nitong nakaraang kaarawan ni Tali, November last year, nagulat ang mag-asawang Vic at Pauleen sa naging birthday wish ng kanilang anak, ito ay ang magkaroon na ng kapatid, at ang feel niya ay isang baby sister.
Ngayon taon ay nagulat na lang ang mga followers ni dabarkads Pauleen nang mag-post siya ng isang larawan kasama si Tali at may nakalagay na caption na ganito:
“Forever you and me. For a baby sis/bro for Tali bachuchi tho!”
Knows naman ng lahat kung gaano kamahal ng mag-asawa ang kanilang unica hija and for sure pilit nilang tutuparin this year ang special wish ng kanilang bachuchi.
Last month, January, sinelebreyt nina Vic at Pauleen ang kanilang 6th year wedding anniversary, does this mean magho-honeymoon muli ang couple para mabigyan ng kapatid si Tali?
***
MARAMI na ring nagawang pelikula under Vivamax si Rose Van Ginkle, tulad ng mga sumusunod “Pornstar 1”, “Gluta”, “69 + 1” and “Deception”.
Halos kapanabayan niya si AJ Raval pero ang huli ay umalagwa pataas ang shobiz karir, samantalang si Rose ay ‘tahimik’ ang role. Ngayon sa latest movie na ginagawa niya under Vivamax ay palaban at bigay na bigay na rin sa aktingan at hubaran si Rose, sa pelikulang ilala-launch sila halos sabay ng kanyang leading man na si Wilbert Ross, ang “Boy Bastos” streaming Feb. 18 sa Vivamax app.
Bakit kaya naisipan lumaban nang sabayan sa mga sexy star ng Vivamax si Rose sa hubaran?
“Passion ko talaga ang acting. I want to explore all the kinds of roles na puede kong gawin. Gusto ko talagang mapansin ang acting skills ko so tina-try ko itong pagpapa-sexy para tingnan kung kaya ko rin bang gawin,” say ni Rose.
Sure na ba talaga siyang handa siyang lumaban sa paseksihan sa mga kapwa niya sex nymphet ng Vivamax?
“Honestly, hindi pa ako 100 percent sure kung kaya ko na ba maging sexy star forever. Kung kailangan talaga maghubad, gagawin ko siya, but may limitations pa rin ako. I always tell the director na ganitong level lang ang kaya ko. Ayoko namang ipakita ang buong katawan ko. Mas gusto ko pa ring sa story naka-focus ang movie at hindi sa paghuhubad ko lang,” dagdag na say pa ni Rose.