Advertisers
ANO na nga ba ang nangyari sa mga sabungerong nawawala may tatlong linggo na ang nakakalipas?
Sa unang mga ulat, napag-alaman na 6 na mga sabungero mula sa Tondo ang nawawala. Matapos ang kulang isang linggo, sinabi ng CIDG na hindi lang anim kundi 26 na ang kabuuhang sabungero ang nawawala.
Hanggang sa kasalukuyan ay wala pa ring balita sa mga ito, hindi mo tuloy malaman kung buhay pa o patay na ang mga ito na naglaho na lamang parang mga bula.
Napag-alaman din na ang lahat ng mga ito ay sinundo o dili kaya ay dinukot sa kani-kanilang matapos magsabong sa Manila arena sa Sampaloc, Manila.
Matapos ang insidente ay wala ng naging balita hinggil sa insidenteng pinaniniwalaang may nagiging sindikatuhan sa nasabing sabungan.
Sinabi rin ng ilan mga saksi na matapos daw ang dukutan ay binalik pa daw ang mga ito sa Manila arena sa hindi pa malamang dahilan.
Ito na daw ang huling eksenang namagitan bago tuluyang mawala at hindi na muling makita pa ang mga sabungero.
Malaki ang paniniwala ng pamilya at mga kamag-anak ng mga ito na patay na ang kanilang mga mahal sa buhay at marahil ay binaon na lang sa isang liblib na lugar.
Ayon naman sa mga awthoridad, malaki daw ang posibilidad na sangkot ang mga sabungerong ito sa game-fixing sa larangan ng sabong.
Malamang daw na may kinalaman ang mga ito sa paglalaban ng mga manok na TSOPE o mga manok na bigla na lamang tatakbo at hindi na nakukuha pang lumaban sa mga manok na katunggali.
Ang iba namang sabungero kung hindi man ganito ang modus ay malaki ang mga utang sa mga sindikato at mga taong nagpapalakad sa nasabing arena.
Mahiwaga at talagang misteryoso ang kinasasangkutan ng mga sabungerong ito kung kaya’t hanggang sa ngayon ay di pa rin sila nakikita.
Maa-ari rin daw na malakas ang koneksiyon ng taong nagpa-palakad sa sabungang ito kung kaya’t hindi na ito masyadong pinag-uukulan ng panahon ng mga awtoridad.
TATLONG CHAIRMAN NA MGA HARI DAW SA PLAZA MIRANDA,MALAKAS DAW SA ADMINISTRASYON…
Malakas daw at malapit sa administrasyon na nagpapalakad sa Lungsod ng Maynila ang tatlong Barangay Chairman na mga hari sa Plaza Miranda.
Ito ang hayagang sinabi ng mga vendor kung kaya’t wala rin daw mangyayari sa mga sinasambit nilang mga problema hinggil sa araw-araw na tarang sinisingil sa kanila ng mga ito.
Naglalaro daw mula sa P100 hanggang P300 ang sinisingil sa kanila ng mga ito sa araw-araw na lubha nilang iniinda.
Halos ang tatlong haring ito na lamang ang kanilang pinagtratrabaho sa araw-araw daw na ginawa ng Diyos.
Maliban dito, ito daw ang madalas nilang pinag-tatalunan at kung minsan ay pinagmumulan pa ng mainit na argumento at gulo.
Sa mga unang ulat, ang tatlong haring tinutukoy nila ay sina Chairman Cortez, Chairman Reyes at Chairman Bunny na umano’y kanilang hepe at tea leader.
Super lakas daw kay YORME ang mga ito lalong-lalo na si Chairman Bunny na nagsasabing walang mangyayari sa kanilang mga hinanaing dahil malapit na malapit daw siya sa una.
Hindi daw sila magtataka kung dedmahin lang ng mga ito ang kanilang dinudulog na mga problema dahil maaari ngang super ang koneksiyon ng mga ito kay YORME.
TOTOO NAMAN KAYA ANG MGA SAPANTAHANG ITO NG MGA VENDOR, MALALAMAN NATIN IYAN SA SUSUNOD NA KABANATA.