Advertisers
INSPIRASYON SA BUHAY: “… Sinabi ni Jesus, “Hindi ba’t sinabi ko sa iyo na kung sasampalataya ka ay makikita mo ang kaluwalhatian ng Diyos?’…” (Juan 11:40, Ang Tanging Daan Bibliya).
-ooo-
BBM, O BONGBONG MARCOS, NANATILI ANG MALAKING LAMANG SA IBA PANG KANDIDATO SA PAGKA-PANGULO, ISANG ARAW BAGO ANG OPISYAL NA KAMPANYAHAN: Nanatili bilang nangungunang kandidato sa pagka-pangulo ng Pilipinas si dating Sen. Bongbong Marcos, o kilala na ng buong mundo ngayon sa kaniyang initials na “BBM”.
Ito ay bunga ng malawak niyang survey leads sa kaniyang mga kalaban sa Halalan 2022, ilang oras bago ang opisyal na umpisa ng campaign period, Martes, Pebrero 08, 2022.
Ang pangungunang ito ni Bongbong Marcos bilang pinaka-paboritong kandidato ng mga botanteng Pilipino sa pagka-pangulo ay ipinakikita hindi na lamang ng mga formal surveys ng iba’t ibang survey firms at media companies.
Ipinapakita din ito lalo na ng mga dumadalo sa Marcos political rallies kahit na matindi pa din ang banta ng COVID 19 sa iba’t ibang dako. Sa ulat noong umaga ng Lunes, Pebrero 07, 2022, ng pahayagang The Straits Times ng Singapore, kinikilala ng kaniyang editorial department na napakalayo na ng lamang ni Bongbong Marcos sa apat na iba pang kandidato sa pagka-pangulo.
-ooo-
PAGHAHANDA NG PROCLAMATION RALLIES NG MGA PRESIDENTIAL CANDIDATES, NAGPAPAKITA DIN NG MALAKING PAGKAKA-IBA SA ISA’T ISA: Ang The Straits Times ng Singapore ay isang diyaryong itinatag noong 1845, o 176 na taon na ang nakakaraan. Nagpapatuloy ito sa paglilimbag hanggang ngayon, dahil matindi din naman ang suporta sa kaniya ng mga mamamayan, di na lamang sa Singapore kundi maging ng mga mamamayan sa ibang mga bansa.
Sa mga social media platforms din noong Lunes, Pebrero 07, 2022, kapansin-pansin ang malaking pagkaka-iba ng mga tao na nagsasama-sama sa iba’t ibang mga pampublikong lugar upang paghandaan ang mga proclamation rallies ng kanilang mga kandidato sa pagka-pangulo.
Sa mga grupong mula sa Bulacan, lalo na yung sa mga lugar na malapit sa Philippine Arena kung saan ipo-proklama si Senador Bongbong Marcos, hindi mahulugan ng karayom ang mga nag-uumpisa ng magtipon bilang paghahanda sa Bongbong proclamation.
At, sa iba pang mga larawang naglalabasan sa iba’t ibang social media platforms na nagpapakita ng iba’t ibang Marcos supporters sa Luzon, Visayas, at Mindanao, parang sa Bulacan din ang ngayon pa lamang ay nagaganap na pagtitipon-tipon ng mga Marcos supporters.
-ooo-
RESULTA NG 2022 PRESIDENTIAL ELECTIONS, MAY BASBAS NA NG DIYOS NOON PA MAN: Sa kabilang dako, ang isang kandidato sa pagka-pangulo na iniuulat ng social media platforms lalo na yung Tweeter ay si Vice President Leni Robredo. Tampok sa Tweeter yung pagharap ni Robredo sa isang Bicol-based party list sa Naga City ngayon.
Naglalabasan din ang mga larawan at video ng pagtitipon ng mga Robredo supporters sa Pasig City. Yun nga lamang, pansin ng mga nagmamasid, hindi maikakaila na hindi kadamihan, kumpara sa mga Bongbong partisans, ang kasama sa Robredo rallies.
Kaya lamang, mayroon din namang nagsasabi na, kahit papaano, mas mabuti na itong mga larawang inilalabas ng Robredo camp noong Lunes, Pebrero 07, 2022, kung ihahambing sa iba pang mga kandidato sa pagka-pangulo, na walang nakikitang ulat sa kanilang mga paghahanda.
Sinubukan ng mga patnugot ng Kakampi Mo Ang Batas na humanap ng mga litrato ng pre-proclamation activites ng iba pang presidential candidates, pero walang naglalabasan man lang sa Internet. Magkaganunman, may isang news report na lumabas sa isang online edition ng isang malaking diyaryo sa Pilipinas tungkol sa isang presidentiable, pero wala namang litratong kasama.
Sa ngayon, marami ang nagsasabing “alam na dis”—na ang ibig sabihin, nakikita na ang magiging resulta ng Halalan 2022 kung sa hanay ng mga kandidatong pangulo ng bansa ang pag-uusapan. Sabi nga ng isang laging naka-pula ang T-Shirt, may basbas na ang Diyos sa mananalo, noon pa man.
-ooo-
MANOOD, MAKINIG: Kakampi Mo Ang Batas, www.facebook.com/attybatas, www.facebook.com/radyopilipino, YouTube.com/kakampimoangbatas, Radyo Pilipino stations nationwide, at mga affiliated radio stations ng Kiss FM network, Sunrise News network, PowerNews Broadcasting Network, 95.5. J FM network.